^

Bansa

Pangulong Bongbong Marcos, US Pres. Biden magpupulong sa Mayo 1

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling pagtitibayin nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President Joe Biden ang ironclad commitment ng Amerika para palakasin pa ang depensa ng Pilipinas.

Sa inilabas na pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), magtutungo si Pangulong Marcos sa Washington, D.C sa Abril 30 hanggang Mayo 4, 2023 para sa isang official visit.

Sa pahayag naman ni White House Press Secretary Karine Jean-Pierre, may nakatakdang bilateral meeting sina Pangulong Marcos at Biden sa White House sa Washington, D.C. sa Mayo 1.

“During the visit, President Biden will reaffirm the United States’ ironclad commitment to the defense of the Philippines, and the leaders will discuss efforts to strengthen the longstanding U.S.-Philippines alliance,” sinabi pa ni Jean-Pierre.

Tatalakayin din ng da­lawang lider ang iba pang usapin na may kinalaman sa Pilipinas at Amerika.

Sinabi naman ng PCO na magiging highlights ng trip ng Pangulo ang matatag na commitment ng dalawang bansa bilang reliable at resilient partners sa sandaling dumating ang krisis at prosperity sa gitna ng kinakaharap na global at regional environment.

PANGULONG FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with