Mga kaso ng manggagawa, mahihirap tututukan
MANILA, Philippines — Priority daw ngayon ng ACT-CIS Party-list ang pagtutok sa mga kaso ng mga mahihirap at manggagawa sa bansa.
Ayon kay ACT-CIS 1st nominee Cong. Edvic Yap, “dumarami ang mga lumalapit sa opisina namin na may mga suliranin sa trabaho at sa kanilang komunidad o barangay.”
Aniya, “ang problema hindi nila alam saan lalapit dahil wala silang pera para magkonsulta sa abogado.”
“We encourage doon sa mga salat sa buhay pero may mga kaso o walang malapitan dahil ang kalaban nila ay malaking tao o malakas, then punta sila sa ACT-CIS,” ayon kay Cong. Yap.
Para naman kay 2nd nominee ACT-CIS Cong. Jocelyn Tulfo, may mga staff sila na pwedeng lapitan o makausap sa telepono o cellphone.
“Bukas po ang opis namin at kahit sino pwedeng lumapit lalo na yung mga mahihirap na can not afford ng mga abogado,” ani Cong. Tulfo.
- Latest