^

Bansa

Driving schools binira ang ­‘minadaling’ polisiya ng LTO sa LTMS

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pumalag ang samahan ng mga driving schools sa bansa sa umano’y minadaling pagpapatupad ng Land Transportation Office (LTO) sa Land Transportation Management System (LTMS) portal upang maisalin ang dating sistemang ACES sa paggawa ng mga certificates para maipadala sa LTO.

Ayon kay Marie Franz Gavino-Ochoco, president ng Association of Accre­dited Driving Schools of the Philippines (AADSPI), hindi pa handa ang hanay ng mga driving schools sa Metro Manila at maging sa mga probinsiya sa naturang bagong programa.

Aniya, bagamat nagkaroon sila ng pagpupulong na ipatutupad ang bagong polisiya sa April 15, naurong ito ng March 24 habang wala namang agarang memorandum na naipalabas ang LTO at kamakailan lamang ikinagulat ng kanilang samahan nang biglaang magpalabas ng memorandum ang LTO at itinakda kahapon, March 24 para ipairal ang natu­rang polisiya.

Inisa-isa nito ang mga dahilan kung bakit hindi pa handa ang mga driving schools sa bagong polisiya ng LTO gaya ng hindi pa enrolled ang mga owners at instructors ng mga driving schools sa LTMS, kakulangan ng bagong finger print scanners na kaduda-duda ang features na umaabot ang presyo sa P16,800 na hindi pa rin available maging sa iba pang mga driving schools sa buong bansa, at kakulangan sa logistics.

Nabatid na sa pagpapairal ng bagong polisiya ay hindi na rin tatanggapin o kinikilala ng LTO ang mga lumang ACES certificates na kailangan sa pag-kukumpleto ng requirements para makakuha ng drivers license ang isang aplikante.

Binanggit din nito ang problema ng mga driving schools na kinakailangan pang iencode isa-isa ang mga old certificates na mula pa sa ACES system patungong LTMS portal.

Hiling ng grupo sa LTO chief na muling magpatawag ng dialogo upang mare-evaluate at maisaayos muli ang ilan pang problema sa naturang programa. 

LTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with