^

Bansa

Tanker sa Oriental Mindoro oil spill, walang permit - Marina

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Tanker sa Oriental Mindoro oil spill, walang permit - Marina
Philippines Coast Guard personnel and volunteer residents of Brgy. Buhay na Tubig in Pola, Oriental Mindoro use absorbent pads to remove oil from rocks.
Philstar.com / EC Toledo IV

MANILA, Philippines — Hindi pa dapat naglayag ang lumubog na MT Princess Empress sa karagatan ng Oriental Mindoro na dahilan ngayon ng matinding oil spill.

Sa pagdinig ukol sa oil spill incident sa Oriental Mindoro, ibinahagi ni Sen. Cynthia Villar na base sa ulat mismo ng Marina, walang ‘authority to operate’ ang lumubog na tanker.

Ito ay dahil hindi pa sakop ang MT Princess Empress ng inamyendahang ‘certificate of convenience’ o CPC ng RDC Reield Marine Services.

Pagbabahagi ni Marina Administrator Atty. Hernani Fabia dapat ay may pagdinig ngunit kulang pa ang dokumento ng RDC at sa kabila nito siyam na beses na itong nakapaglayag hanggang Bataan.

Dagdag pa ni Fabia, nagbibigay sila ng temporary permit habang nakabinbin ang CPC, ngunit hindi humirit ang RDC.

Sa nasabi rin pagdinig ng Senate Committee on Environment, inamin ni RDC Vice President Fritzie Tee na noong nakaraang taon lamang nila binili ang MT Princess Empress, Nobyembre  nang ilista nila ito sa kanilang CPC at sa sumunod na buwan ay naisumite na nila ang lahat ng mga kinakailangan na dokumento.

OIL SPILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with