MANILA, Philippines — Walang naitalang patay buhat ng malakas-lakas na lindol na nangyari sa lindol kahapon sa Mindanao, sa kabutihang palad — gayunpaman, nasaktan ang ilang kabataan.
Martes ng bandang alas dos ng hapon lang nang tumama ang isang 5.9 magnitude na lindol na may epicenter malapit sa New Bataan, Davao de Oro. Sinundan ito ng isa pang 5.6-magnitude na lindol matapos ang dalawang oras.
Umabot ito sa "Intensity V" (very strong) sa ilang lugar sa probinsya, isang araw bago ang foundation day nito.
"[May m]ga napinsalang estudyante, siyempre nag-panic, kaya 'yung iba nagkaroon ng mga bruise, ganoon lang," wika ni Davao de Oro Gov. Dorothy Gonzaga, Miyerkules, sa panayam ng TeleRadyo.
"Pero so far, nothing major talaga na na-report and no casualty at all."
Una nang sinabi ng Phivolcs na inaasahan ang ilang pinsala at aftershocks dahil sa lindol. Aniya, na-damage tuloy ang ilang kalsada, tulay, eskwelahan at mga ospital. Ilang landslide ang nakuhanan sa ilang video dahil sa pangyayari.
Gayunpaman, wala pang maibigay na pinal na datos ang pamahalaang panlalawigan patungkol pagdating sa halaga ng mga nawasak o nasira.
"March 6 actually, nag-suspend tayo ng classes because of the lindol. The day after, meron kasing mga mayors na hindi naman affected masyado noong March 6, nag-lift sila ng suspension order. So they had classes," sabi ni Gonzaga.
"'Yun 'yung may mga napinsalang estudyante."
Kagabi lang nang puntahan ng gobernadora ang isang gym matapos ang lindol matapos ipalikas ang isang baranggay na nakararamdam ng aftershocks kada lima hanggang 10 minuto.
Dinalhan naman na raw nina Gonzaga ng ayudang pagkain gaya baboy, manok atbp. sa mga nasalanta kagabi. — James Relativo