MANILA, Philippines — Nakatakdang makipagpulong ngayong araw si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim sa Malacañang na nasa 2-day official visit sa bansa.
“The two leaders will hold a bilateral meeting to discuss areas of mutual concern such as political, security and economic cooperation, as well as people-to-people ties. They are also expected to exchange views on regional and international issues,” ani Communications Secretary Cheloy Garafil.
Magho-host ang Pangulo ng isang dinner banquet para kay Anwar.
Ang opisyal na pagbisita ni Anwar sa Maynila ang magiging una niya bilang ika-10 punong ministro ng Malaysia.
Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi ng Ministry of Foreign Affairs ng Malaysia na tatalakayin din nina Marcos ang pagtutulungan sa halal industry at digital economy.
Si Anwar ang unang pinuno ng pamahalaan na bibisita sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos.