^

Bansa

Pangulong Marcos, Malaysian Prime Minister magpupulong ngayon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang maki­pagpulong ngayong araw si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim sa Malacañang na nasa 2-day official visit sa bansa.

“The two leaders will hold a bilateral meeting to discuss areas of mutual concern such as political, security and economic cooperation, as well as people-to-people ties. They are also expected to exchange views on regional and international issues,” ani Communications Secretary Cheloy Garafil.

Magho-host ang Pangulo ng isang dinner banquet para kay Anwar.

Ang opisyal na pagbisita ni Anwar sa Maynila ang magiging una niya bilang ika-10 punong ministro ng Malaysia.

Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi ng Ministry of Foreign Affairs ng Malaysia na tatalakayin din nina Marcos ang pagtutulungan sa halal industry at digital economy.

Si Anwar ang unang pinuno ng pamahalaan na bibisita sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos.

MARCOS JR

MINISTRY OF FOREIGN AFFAIRS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with