MANILA, Philippines — Ligtas kainin ng publiko ang frozen eggs, ayon sa Bureau of Agriculture and Fisheries Standards ng Department of Agriculture.
Ito ang nilinaw ng ahensiya kaugnay ng anumang pangamba ng publiko sa pagbili ng mga frozen eggs sa mga palengke.
Kaugnay nito, inirekomenda ng BAFS sa publiko na ilagay sa cold storage ang mga itlog upang mapahaba at mapaganda pa ang kalidad nito.
Ayon sa BAFS, maaaring abutin ng hanggang 12 buwan o 1 taon ang kalidad ng isang itlog kung nasa maayos na cold storage ang gagawing pag-iimbak.
Sa ngayon mas mabenta sa palengke ang mga frozen egg dahil mas abot kaya ito ng mga mamimili.