^

Bansa

573 examinees kumuha ng FSO test sa Civil Service Commission

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 573 e­xaminees ang kumuha ng Career Service Examination para sa Foreign Service Officer (CSC-FSO) sa 13 rehiyon ­kamakailan.

Ang nasabing bilang ay kumakatawan sa 89.39 % sa kabuuang registered examinees mula sa National Capital Region (NCR), Regions 1 hanggang 11 at Cordillera Administrative Region (CAR).

Sina CSC Chairperson Karlo Alexei Nograles at Commissioner Ryan Alvin Acosta ay nagsagawa ng pagi-inspeksiyon sa pagsusuri sa UST Angelicum College sa Quezon City, ang testing center sa NCR kung saan nasa 63% sa kabuuang 360 ng mga examinees ang kumuha ng pagsusulit.

“Isa na namang successful na Career Service Examination ang naihatid ng Civil Service Commission (CSC). Ito ay para naman sa mga Foreign Service Officer hopefuls. Nagpapasalamat kami sa lahat ng examinees sa kanilang cooperation sa exam protocols upang ma­ging maayos ang buong exam procedure. Gusto rin naming magpasalamat sa mga partner schools namin,” saad ng CSC Chairperson Nograles.

Ang CSE-FSO (Career Service Examination-Foreign Service Officers) ay nagsisilbing qualifying test at eligibi­lity examination.

Ipoposte ang pangalan ng mga nakapasa sa pagsusulit sa Marso 19, 2023 sa CSC website. Ang CSE-FSO ang kauna-unahang career service exam ngayong 2023.

Samantala, gagawin ang kauna-unahang face-to-face Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) for Professional and Subprofessional levels ngayong taon sa Marso 26.

CAREER SERVICE EXAMINATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with