^

Bansa

Freelance workers protektado, may dagdag benepisyo sa HB 6718

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Freelance workers protektado, may dagdag benepisyo sa HB 6718
Sa pamamagitan ng viva voce voting ay ganap na napagtibay ang House Bill (HB) 6718 o ang Freelance Workers Protection Act na pangunahing iniakda ni 2nd District Albay Rep. Joey Salceda, Chairman ng House Committee on Ways and Means.
Pixabay / Stock

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang ‘Freelance Workers Protection Act” na magbibigay protek­syon, karapatan at dagdag na benepisyo sa mga freelance workers sa bansa.

Sa pamamagitan ng viva voce voting ay ganap na napagtibay ang House Bill (HB) 6718 o ang Freelance Workers Protection Act na pangunahing iniakda ni 2nd District Albay Rep. Joey Salceda, Chairman ng House Committee on Ways and Means.

Ayon kay Salceda, pangunahing layunin ng HB 6718 ay isulong ang proteksiyon, karapatan, kagalingan at mga pakinabang ng mga ‘freelancers’ kasama ang ‘mandatory hazard pay at night shift differential pay.’

Alinsunod sa HB 6718 ay poprotektahan at isusulong ang kapakanan ng mga freelance workers sa pamamagitan ng written contract sa pagitan ng employer at freelance worker.

Isasaad sa kontrata ang mga kundisyon sa pagtatrabaho, detalye ng kabayaran at mga benepisyo, panahon ng pagtatrabaho, mga kadahilanan sa paglabag sa kontrata, at iba pang mga kundisyon na itinakda ng Department of Labor and Employment (DOLE). Nauna nang naipasa ng Kamara ang panukala noong Marso 2021, ngunit hindi ito naisabatas.

Ayon kay Salceda, sa kasalukuyang Labor Code, walang kategoryang ‘freelance worker’ at wala ring paliwanag tungkol dito, bagama’t sa bansa mahigit 1.5 milyon na ang kanilang bilang bago pa nagka-pandemya.

FREELANCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with