MANILA, Philippines — Nangako si United States Defense Secretary Lloyd Austin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutulungan ang Pilipinas na gawing moderno ang Armed Forces of the Philippines at palalakasin ang “interoperability” ng mga puwersang militar ng Amerika at Pilipino.
“From defense perspective, we will continue to work together with our great partners and to build and modernize your capabilities as well as increase our interoperability,” sabi ni Austin sa kanyang opening remarks bago ang kanyang pakikipagpulong Marcos sa Malacañang.
“So we are very, very happy to be here once again and I look forward to a great discussion with you, Mr. President,” anang US defense chief.
Pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang US defense chief sa pagbisita sa Pilipinas sa gitna ng kumplikadong sitwasyon sa rehiyon.
Samantala, inihayag din ni Austin na handang tumulong ang Amerika sa Pilipinas para sa mga biktima ng magnitude 6 na lindol na tumama sa New Bataan, Davao de Oro.
Sinabi ni Austin kay Marcos na nakahanda na ang kanilang aid personnel at handang magbigay ng humanitarian assistance.
Nakalulungkot, ayon kay Austin na niyanig ng lindol ang Mindanao region.
Ilang katao na ang naiulat na nasugatan matapos ang lindol bukod pa sa mga bahay na nasira.