^

Bansa

'Dumami lalo': 3M pamilyang Pilipino nagutom sa huling quarter ng 2022, sabi ng SWS

James Relativo - Philstar.com
'Dumami lalo': 3M pamilyang Pilipino nagutom sa huling quarter ng 2022, sabi ng SWS
High-rise buildings of Rockwell, Makati dwarf shanties of residents along Bernardino Street in Barangay Viejo on January 17, 2023.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Lumobo sa 11.8% ng pamilyang Pilipino (3 milyon) ang "nagutom at walang makain" sa huling tatlong buwan ng 2022, ito kasabay ng pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin sa 14 taon.

Ito ang napag-alaman ng Social Weather Stations (SWS) matapos isapubliko, Huwebes, ang kanilang "hunger rate" survey na ikinasa mula ika-10 hanggang ika-14 ng Disyembre.

"The December 2022 Hunger figure is slightly above the 11.3% (estimated 2.89 million families) in October 2022 and 11.6% (estimated 2.95 million families) in June 2022," wika nila.

"The 0.5-point increase in Overall Hunger between October 2022 and December 2022 was due to increases in the Visayas and Balance Luzon, combined with decreases in Metro Manila and Mindanao."

  • Mindanao: 12.7%
  • Visayas: 12%
  • Metro Manila: 11.7%
  • Balance Luzon: 11.3%

Sa 100 surveys na ginawa ng SWS simula pa noong 1998, Mindanao ang pinakamadalas na mataas ang kagutuman. Nag-top ito sa 38 na surveys.

Mula sa 1.1 milyong pamilya sa Balance Luzon noong Oktubre, umakyat ang numero ng pamilyang nagugutom sa 1.3 milyon noong Disyembre. Umakyat din ito sa Visayas mula 336,000 patungong 576,000.

Sa kabila nito bumaba ito sa Metro Manila mula 558,000 pamilya patungong 399,000. Mula sa 893,000, nabawasan naman ito sa Mindanao sa 738,000.

Saan galing ang 11.8%?

Ang 11.8% hunger rate noong Disyembre 2022 ay resulta ng sumusunod:

  • moderate hunger: 9.5% o 2.4 milyong pamilya
  • severe hunger: 2.3% o 599,000 pamilya

Tumutukoy ang "moderate hunger" sa mga isa o ilang beses lang nagutom nitong nakaraang tatlong buwan. "Severe hunger" naman kung ituring ang mga "madalas" o "palaging" gutom sa parehong panahon.

Noong Oktubre 2022, mas kaonti ang nakaranas ng moderate hunger sa 9.1% (2.3 milyong pamilya). Ganoon din sa severe hunger na nasa 2.2% (573,000 pamilya)

Dumami sa self-rated non-poor

Nitong Disyembre 2022 lang nang lumabas na 51% ng mga pamilyang Pilipino ang tumitingin sa sarili nila bilang mahirap, habang 31% naman ang nasa hangganan nito. 

Tanging 19% lang ang nagsabing hindi sila mahirap.

"The rate of Overall Hunger (i.e., Moderate plus Severe) rose among the Non-Poor (Not Poor plus Borderline Poor) from 6.7% in October 2022 to 7.8% in December 2022," dagdag pa ng SWS.

"However, it fell slightly among the Self-Rated Poor, from 16.0% to 15.7%."

Isinagawa ang Fourth Quarter 2022 SWS survey gamit ang harapang panayam sa 1,200 katao 18-anyos pataas: 300 mula sa Metro Manila, balance Luzon, Visayas at Mindanao.

Meron itong sampling error margins na ±2.5% para sa national percentages at ±5.7% para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao. Inisyatibo ito ng SWS bilang serbisyo publiko at hindi kinomisyon ninuman.

vuukle comment

HUNGER

HUNGER RATE

POVERTY

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with