^

Bansa

Victory Liner buses biyaheng Cubao-Baguio 30-araw suspendido 'dahil sa aksidente'

Philstar.com
Victory Liner buses biyaheng Cubao-Baguio 30-araw suspendido 'dahil sa aksidente'
Litrato ng isang bus ng Victory Liner, Inc.
Released/LTFRB

MANILA, Philippines — Pinatawan ng isang buwang suspensyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang 26 bus units ng Victory Liner Inc. na biyaheng Cubao-Baguio City — ito matapos ang disgrasyang ikinamatay at ikinasugat ng ilan sa La Union.

"Sa ipinalabas na kautusan ng LTFRB, hindi na muna pinapayagan ang operasyon ng 26 na bus units ng Victory Liner na biyaheng Cubao patungong Baguio City via Dau, Tarlac, at Urdaneta," wika ng LTFRB sa Facebook, Biyernes.

"Magsisimula ang suspensyon sa araw na matanggap ng Victory Liner Inc. ang kautusan at kailangan ding isuko ng kumpanya ang for-hire na plaka ng mga na bus unit."

Habang suspendido, isasailalim ng LTFRB sa road safety seminar ng Land TRansportation Office ang mga tsuper na nakatalaga sa mga bus na suspendido.

Pinagsusumite rin sa kumpanya ang roadwortiness certificate ng mga bus unit maliban sa nasangkot sa aksidente, gayundin ang pruwebang nagbigay ito ng tulong-pinansyal at insurance benefits sa pamilya ng mga biktima ng aksidente.

Maliban sa tigil-operasyon, binibigyan din ng LTFRB ng 72 oras ang Victory Liner upang magsumite ng paliwanag kung bakit hindi dapat masuspindi, makansela o mabawi ang kanilang Certificate of Public Convenience.

Ipinahaharap din sila sa pagdinig sa umaga ng ika-24 ng Enero sa TFRB Central Office sa East Avenue, Quezon City. Magiging pagsuko raw sa kanilang karapatang marinig ng boad kung bigo silang tumugon.

"While the incident may look like it was unintentional, it could have been still avoided had the bus involved underwent a thorough road worthiness inspection. This should be a lesson learned for all public utility vehicles," ani LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III.

"The mindset of bus operators, drivers and conductors should always be about road safety whenever they go out and serve the commuting public; otherwise they have no business operating in the public transportation sector."

Agad naman daw huhulihin ang mga suspendidong bus units na magtutuloy pa rin daw sa kanilang mga biyahe sa kabila ng utos. — James Relativo

BAGUIO

BUS

CUBAO

LA UNION

LTFRB

SUSPENSION

VICTORY LINER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with