Lagay ni dating Pope Benedict XVI, seryoso pa rin

MANILA, Philippines — Nananatiling seryoso ang kundisyon ni dating Papa Benedict XVI ngunit kasalukuyang “stable” siya at alerto pa rin umano ang utak, ayon sa Vatican kahapon.

Nabatid na nag-ugat ang alarma ng buong simbahang Katoliko sa buong mundo nang ihayag ni Pope Francis nitong Miyerkules sa kaniyang mga audience ang masamang kundisyon ng sinundan niyang Papa na si Joseph Ratzinger sa totoong pangalan.

Matatadaan na nagbitiw sa kaniyang tungkulin si Benedict XVI noong 2013 dahil sa lumalala niyang kalusugan. Ito ang kauna-unahang pagbibitiw ng isang Papa mula pa noong Middle Ages.

“The Pope Emeritus was able to rest well last night, he is absolutely lucid and alert and today, although his condition remains serious, the situation at the moment is stable,” pahayag ng Vatican press.

Nananawagan ­ngayon si Pope Francis sa mga tao na mag-alay ng pana­langin para sa dating Papa na sinasabi ng ilang source na bumibigay na ang parte ng mga katawan lalo na ang puso dahil sa katandaan sa edad na 95.

Hindi na rin umano iniratay sa pagamutan si Benedict XVI at sa kaniyang bahay na lang nagpapahinga habang naglagay na rin dito ng mga “medical equipments” para i-monitor ang kaniyang kalusugan.

Show comments