^

Bansa

‘Gratuity pay’ sa contractual, JO workers, inutos ni Bongbong Marcos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
‘Gratuity pay’ sa contractual, JO workers, inutos ni Bongbong Marcos
President Ferdinand Marcos Jr. speaks in this undated photo.
Office of the Press Secretary

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbibigay ng gratuity pay sa mga manggagawa sa gobyerno na nasa ilalim ng contract of service (COS) at job order (JO).

Nakasaad sa Administrative Order No. 3, na nilagdaan ni Marcos nitong Disyembre 23, na ang lahat ng manggagawa sa gobyerno na nasa ilalim ng COS at JO, na nakapagbigay ng kabuuan o pinagsama-samang aktuwal na serbisyo na hindi bababa sa 4 na apat na buwan ayon sa itinakda sa kani-kanilang mga kontrata, simula noong Disyembre 15, 2022, at mga kontrata na epektibo pa rin sa parehong petsa, ay maaaring bigyan ng isang beses na pabuya na hindi hihigit sa P5,000.

Ayon sa AO, ang pagbibigay ng year-end gratuity pay sa mga manggagawa ng COS at JO ay isang pagkilala sa kanilang pagsusumikap sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto at aktibidad ng gobyerno sa gitna ng patuloy na pandemya ng COVID-19.

“Granting a year-end gratuity pay to COS and JO workers is a well-deserved recognition of their hard work in implementing programs, projects and activities and pivotal role in the delivery of government services amid the ongoing COVID-19 pandemic and present socio-economic challenge,” ayon sa AO.

Ang mga nakapagbigay ng hindi hihigit sa apat na buwan na aktuwal na serbisyo ay maaaring bigyan ng isang beses na pabuya na pro-rata basis; gratuity pay na P4,000 sa mga nakapag-serbisyo sa loob ng tatlong buwan ngunit mas mababa sa apat na buwan; P3,000 para sa mga nakapagbigay ng dalawang buwan ngunit wala pang tatlong buwan; at halagang hindi hihigit sa P2,000 para sa mga nag-render ng wala pang dalawang buwan.

Ang kautusan ay sumasaklaw sa mga manggagawa na ang mga serbisyo ay direktang nakikibahagi sa pamamagitan ng COS at JO ng mga national government agencies (NGAs), state universities and colleges (SUCs), government-owned and controlled corporations (GOCCs) at local water districts.

Inatasan din ang mga local government units (LGUs) na i-adopt sa kani-kanilang tanggapan ang pagbibigay ng gratuity pay sa kanilang mga manggagawa sa COS at JO.

Ang mga empleyado at manggagawa sa gobyerno na nasa ilalim ng JO, COS o iba pang katulad na working arrangements ay tatanggap din ng one-time rice assistance sa ilalim naman ng AO No. 2.

JO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with