^

Bansa

6 nakatakdang kasuhan sa kidnapping, illegal detention ng Tanay sabungeros

James Relativo - Philstar.com
6 nakatakdang kasuhan sa kidnapping, illegal detention ng Tanay sabungeros
In this photo taken on August 26, 2022, roosters fight during a cockfighting match at the San Pedro Coliseum in Laguna province. Shut for two years during the Covid-19 pandemic, traditional cockfighting arenas have reopened across the archipelago nation. Banned in many countries, cockfighting is hugely popular in the Philippines, where millions of dollars are bet on matches every week.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Haharap sa kaso ang anim na katao para sa kidnapping at serious illegal detention dahil sa kanilang pagdukot diumano sa ilang nawawalang sabungero, pagbabahagi ng Department of Justice, Biyernes.

Kaugnay ang kasong ito ng pagkawala ng anim na katao na umalis ng Tanay, Rizal noong Enero 2022 patungong Manila Arena para sumali sa isang 6-cock stag derby.

"After a careful perusal of the case records, the panel of prosecutors from the Department of  Justice (DOJ) found probable cause to indict Julie A. Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo E. Zabala, Virgilio  P. Bayog, Johnry R. Consolacion, and Roberto G. Matillano Jr. for six (6) counts of kidnapping and serious illegal detention under Article 267 of the Revised Penal Code," wika ng DOJ.

Napag-alaman ng panel noong preliminary investigation na nagsabwatan diumano sina Patidongan, Codilla, Zabala, Bayog, Consolacion at Matillano para dukutin sina:

  • John Claude Inonog 
  • James E. Baccay
  • Marlon E. Baccay
  • Rondel F. Cristorum
  • Mark Joseph L. Velasco
  • Rowel G. Gomez

"The victims, unfortunately, were  forced to board a gray van at around 7:30 p.m. and were never to be seen again," dagdag pa ng DOJ.

Mariing itinanggi ng mga askusado ang mga ipinupukol sa kanila lalo na't hindi raw inisa-isa ang partisipasyon nila sa pagkawala ng mga biktima. Ikinatuwiran din nilang walang "personal knowledge" sa krimen ang mga saksi, maliban pa sa wala raw ang ilang respondents noong nangyari ang sinasabing kidnapping.

Pero para swa panel, kulang daw ang ganitong depensa sa gitna ng positibong pagtukoy at "credible" na testimonya ng ilang saksi.

"In particular, complainant Venancio Inonog, the father of the victim Inonog, testified that he was able to talk via phone call with his son who informed him that they were forced to board  a gray van against their will," dagdag pa ng kagawaran.

"His son was able to identify respondents Bayog, Consolacion and Matillano."

Nakarinig din daw si Inonog ng mga pagsigaw bago naputol ang linya. Paulit-ulit pa raw niyang tinawagan ang anak matapos noon ngunit patay na raw ang cellphone.

Isinalaylay din ng saksing si Denmark Sinfuego na personal niyang nakita ang pagdakip ng mga akusado sina Cristorum, Gomez at Velasco. Dahil dito, na-establish ng prosekusyon ang probable cause laban sa mga suspek.

Ang mga naturang impormasyon laban sa anim na katao ay nakatakda nang ihain sa Manila Regional Trial Court.

Tinitiyak naman ni Justice Secretary Jesus "Boying" Remulla sa mga pamilya ng mga biktima na makikipagtulungan ang DOH, Department of the Interior and Local Government, National Bureau of Investigation at Philippine National Police para sa mabilis na imbestigasyon at paglutas ng kaso upang makapagbigay ng katarungan.

Matagal nang laman ng balita ang isyu patungkol sa mga nawawalang sabunguero, dahilan para ipagpalagay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring patay na ang mga nabanggit.

COCKFIGHTING

DEPARTMENT OF JUSTICE

KIDNAPPING

SERIOUS ILLEGAL DETENTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with