Inflation rate humambalos sa 8% bago Pasko, bagong 14-year high sa akyat presyo
MANILA, Philippines — Humantong pa sa lalong pagbilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin nitong Nobyembre 2022 sa Pilipinas, ito habang nagkukumahog ang mga tao sa pamimili ngayong holiday season.
Nag-sky rocket na kasi sa 8% ang inflation rate noong nakaraang buwan, bagay na mas malala pa sa matindi na ngang 7.7% noong Oktubre.
"The country’s headline inflation accelerated further to 8.0 percent in November 2022, from 7.7 percent in October 2022," ayon sa Philippine Statistics Authority kanina.
"This is the highest recorded inflation since November 2008."
Labis-labis ito kumpara sa November 2021 inflation rate na naobserbahan noon sa 3.7%.
Dahil dito, nasa 5.6% na ang average inflation rate ng bansa mula Enero hanggang Nobyembre 2022. Malayo-layo na 'yan sa target inflation ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 2%-4%.
Ang tuloy-tuloy na pagbilis ng inflation noong nakaraang buwan ay dulot ng mas mataas na year-on-year growth rate sa index ng pagkain at hindi nakalalasing na inumin sa 10% mula sa 9.4% noong Oktubre.
"Also contributing to the uptrend is the higher annual increment in the index of restaurants and accommodation services at 6.5 percent, from 5.7 percent in October 2022," sabi pa ng PSA.
Ang lahat ng ito ay nangyayari habang patuloy ang pangangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabababain nang husto ang presyo ng pagkain, lalo na ang bigas na sinasabi niyang ipabubulusok niya sa P20/kilo.
Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito
- Latest