^

Bansa

Philippine-US Mutual Defense Treaty, EDCA binubusisi na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sumasailalim na umano sa negosasyon at evolution ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Bukod dito ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay sumasailalim din ngayon sa masusing pag-aaral ang proposals at requests ng Amerika na Enhanced Defense Coo­peration Agreement (EDCA).

Nilinaw naman ni Marcos na kaya niya tinawag itong evolution dahil mayroong mga bagay na nabago at maraming requests at proposals mula sa Amerika lalo na sa ilalim ng EDCA.

Kaya lahat umano ng ito ay binubusisi pa para makita kung ano ang pinaka magagamit para sa pagdepensa sa teritoryo ng Pilipinas.

Idinadag pa ng Pa­ngulo na lahat ng mga usapin sa MDT at EDCA na may kinalaman sa seguridad at defense ay kanyang tinalakay nang bumisita kamakailan sa bansa si US Vice President Kamala Harris.

Bukod dito,tinalakay din umano nila ni Harris ang joint exercises, ang paggamit ng mga bases at iba pa.

“Palagay ko, by early next year, we will have something more concrete to tell you,” ayon pa sa Pangulo.

MDT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with