^

Bansa

Wastong bentilasyon sa 'maskless' Christmas parties itinulak vs COVID-19 spikes

James Relativo - Philstar.com
Wastong bentilasyon sa 'maskless' Christmas parties itinulak vs COVID-19 spikes
Roman Catholic devotees receive communion during a pre-dawn mass called "misa de gallo" at a church in Las Pinas, suburban Manila, on December 16, 2021, as part of traditional Christmas season celebrations.
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Nakikiusap ang ilang dalubhasang panatilihin ang health protocols sa mga darating na salu-salo ngayong Pasko at Bagong Taon laban sa COVID-19, ito kahit tinanggal na ng gobyerno ang indoor at outdoor mask mandates.

Ito ang ipinaalala ng epidemiologist na si Dr. John Wong sa katatapos lang na "Media Solusyon Kapihan" ng Department of Health (DOH), Martes.

"Since the lifting of the masking mandate last October 28, we saw a slight increase in the number of cases. Although this has plateaud or started to go down, we might see another spike or surge because of the Christmas gatherings," wika ni Wong kanina.

"If we're not requiring people to mask and they'll be indoors and put their mask off because they're eating during Christmas gatherings, then we need to improve ventilation."

Mahigit isang buwan na nang ipatupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order 7, dahilan para hindi na obligahin ang mga taong magsuot ng face masks sa mga indoor at outdoor settings, maliban sa ilang kondisyon.

Ang lahat ng ito ay nangyayari kahit na nakapasok na ng Pilipinas ang Omicron BQ.1 subvariant, XBB subvariant at XBC variant, na pare-parehong sinasabing mas nakahahawa kumpara sa ibang COVID-19.

"Homeowners, owners of buildings, need to improve their ventilation and government needs to enforce the indoor air quality standards more strictly," dagdag pa ni Wong.

"To enjoy the holidays, I encourage everyone to follow the three out of four rule. This is: vaccination, ventillation, masking and distancing."

'Halos 2,300 daily cases sa Disyembre'

Kanina lang din nang sabihin ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman na posibleng tumaas sa 1,140 hanggang 2,294 ang arawang COVID-19 infections sa pagtatapos ng Disyembre 2022 habang bumababa ang pagsunod ng publiko sa minimum public health standards. 

Bukod pa ito sa posibleng active cases na 18,000 sa huling buwan ng taon.

Lunes lang nang maidagdag ang nasa 1,083 bagong kaso nito sa bansa.

Sa kabila nito, positibong ibinalita ni De Guzman na ang mga emerging variants, na mas nakahahawa at nakapasok na ng Pilipinas, ay hindi awtomatikong nagdulot ng increase sa mga kaso at hospitalizations sa bansa.

Maaari rin daw mabawasan ang bilang ng mga naoospital sa gitna ng mga bagong variants sa pamamagitan ng vaccinations.

Sa huling taya ng DOH, umabot na sa 4.03 milyon ang nahahawaan ng naturang sakit simula nang makapasok ito sa bansa noong 2020. Sa bilang na 'yan, pumanaw na ang 64,608 katao.

CHRISTMAS

DEPARTMENT OF HEALTH

HOLIDAYS

NEW YEAR

NOCHE BUENA

NOVEL CORONAVIRUS

PARTY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with