^

Bansa

PNP, AFP magpapadala ng mga nurse sa NKTI

Angie dela Cruz, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
PNP, AFP magpapadala ng mga nurse sa NKTI

MANILA, Philippines — Tutulong na sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) makaraang mahirapan ang pagamutan sa labis na pasyente na dumadagsa sa kanila bawat araw, ayon sa Department of Health (DOH).

Kasunod ito nang naging advisory nitong nakaraang araw na ang kanilang emergency room ay nasa full capacity na para sa mga pasyenteng sumasailalim sa dialysis, may leptospirosis at COVID-19.

Nabatid na hanggang 80% na ang okupado sa ospital dahil sa non-COVID-19 cases.

Inirereklamo ng NKTI ang kakulangan sa mga nurses kaya ‘overworked’ ang kanilang mga tauhan kada araw. Nakikita rin ang problemang ito maging sa iba pang mga pagamutang pampubliko.

Sa pahayag sa telebisyon ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, kailangan talaga ng manpower ng ospital kaya tinawagan ang PNP at AFP na agad naman aniyang rumesponde at magpapadala ng kanilang mga nurse sa NKTI para makatulong.

Bukod sa kanila, nagpasabi na rin ang ibang pagamutan sa DOH na magpapadala rin ng ekstra nilang mga tauhan sa NKTI para makatulong. Sa kabila nito, tatanggap pa rin ng mga pasyente ang NKTI kahit kulang na sa mga kuwarto at kakaunti ang bilang ng mga tauhan sa ospital.

Ayon kay Dr. Rose Liquete, executive director ng NKTI, ang kanilang emergency room ay tumatanggap ng 100 pasyente kada araw o ?may 3 beses na dami ng karaniwang kapasidad sa isang araw.

Puno ngayon ang NKTI sa mga pasyente na nagda-dialysis, gayundin ng mga pasyenteng may leptospirosis at COVID-19.

Nirerekomenda rin ng NKTI ang ibang kalapit na ospital tulad ng East Avenue Medical Center at Tala Hospital para makapagpagamot sa katulad na mga sakit.

Sinabi rin ni Liquete na sa dami ng pasyente ay kulang na kulang sila sa mga staff nurses dahil karamihan ay nag-abroad na kaya sila ay naghahanap ngayon ng dagdag na mga nurses.

Hindi naman mabuksan ang kanilang gymnasium para sa dagdag-pasyente dahil kulang sila sa tauhan ngayon. Noong kasagsagan ng pandemic ay nagamit ang gymnasium sa COVID patients pero nang kumalma na ang pandemic ay nagsipag-resign at nag-abroad na ang karamihang nurses ng pagamutan.

Gayunman, sinabi nito na kinakaya naman ng pagamutan na maserbisyuhan ang mga pasyente dahil karamihan ay naka-overtime ang mga tauhan.

AFP

NKTI

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with