^

Bansa

Pekeng pera kakalat ngayong Pasko

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pekeng pera kakalat ngayong Pasko
Nauna nang pinayuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na sipatin nang mabuti ang pera upang malaman kung ito ay peke o hindi.
STAR / File

PNP nagbabala

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Phi­lippine National Police (PNP) ang publiko la­ban sa pagkalat ng pekeng pera ngayong Kapasukuhan.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, kaila­ngan na maging mai­ngat ang lahat partikular ang mga mamimili at pakikipag-transaksiyon sa  palengke at mga shopping malls.

“Nagpapaalala ang PNP na mag-ingat po tayo sa ating mga transaksyon kapag tayo ay namimili sa mga palengke, mall, lalung-lalo na na ganitong pagkakataon na marami tayong mga balikbayan na uuwi at may bitbit na mga remittance,” ani Fajardo.

Ngayon inaasahang maraming magbabalik bayan ngayong Pasko, paalala ni Fajardo na magpapalit lang ng kanilang pera sa mga authorized money changer upang hindi sila mabiktima ng panloloko.

Pinayuhan din ng opisyal ang publiko na bumili na ng mga regalo nang mas maaga upang hindi makipagsiksikan o sumabay sa holiday shopping rush.

“‘Wag na tayong sumabay doon sa Christmas rush na sinasabi. Kung ka­yang mamili nang mas ma­aga, ‘wag humalo doon sa napakamarami. Kapag ganyan na maraming tao, diyan madalas nagkakaroon ng switching ng pera,” dagdag pa ni Fajardo.

Nauna nang pinayuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na sipatin nang mabuti ang pera upang malaman kung ito ay peke o hindi.

 

FAKE MONEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with