^

Bansa

Libu-libong pasahero stranded

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot sa 4,551 pasahero, drivers at mga cargo helpers ang iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na na-stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa pagtama ng bagyong Paeng nitong Biyernes ng tanghali.

Sakay sila ng 978 rolling cargoes, 29 barko at anim na motorbanca na stranded din habang nasa 73 vessels at 45 motorbancas ang nakikisilong sa mga pier sa Bicol, Southern Tagalog at Eastern Visayas.

Sinuspinde ng PCG ang mga biyahe ng mga sasakyang-pandagat sa Central Cebu, Camotes, Eastern Bohol at Western Leyte gayundin ang mga biyahe sa Roxas City tungo sa Romblon at pabalik.

Nagsuspinde rin ang PCG-Ilocos Norte ng biyahe ng maliliit na sasak­yang-pandagat sa hilaga at kanlurang seaboards habang inabisuhan ang malalaking vessels ng malalaking alon sa karagatan.

Nanawagan si PCG spokesperson Commodore Armand Balilo sa mga biyahero lalo na ang mga uuwi sa kanilang mga probinsya sa Undas na suspindihin muna ang kanilang biyahe dahil sa banta ng bagyo at posibleng ma-stranded lamang sila.

“Ayaw nating na malagay kayo sa balag ng alanganin. Hintayin nating gumanda ang panahon bago tayo mag-isip na bumiyahe ulit. Alam kong Undas pero hindi po natin dapat ikompromiso ang ating safety,” giit ni Balilo.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

STRANDED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with