MANILA, Philippines — Inalmahan ng Alliance of Health Workers (AHW) ang pagkakatalaga kay dating PNP Chief ret. Gen. Camilo Cascolan bilang undersecretary ng Department of Health (DOH).
Malinaw na pagpapakita umano ng labis na kawalan ng malasakit ng Malacañang sa buhay, kalusugan, kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawang pangkalusugan at ng buong bansang Pilipino sa pagkakatalaga kay Cascolan.
“Cascolan’s appointment is a huge insult to our health experts who are most qualified to administer and run the affairs of the DOH,” ayon sa grupo.
Iginiit ng grupo na handa silang makipagtulungan sa isang undersecretary na malinis ang track record at hindi umano isang “red tagger” at arkitekto ng Oplan Tokhang.
“Thus, AHW asserted that Cascolan’s appointment runs counter to DOH mandate of ensuring the provision of quality health service that every Filipino people deserves and in upholding the quality of life, respect for human dignity and protect the health and safety of the health workers and the Filipino people,” sabi pa ng grupo.
Nanawagan din ang AHW kay Marcos na magtalaga na ngayon ng health secretary. Isang Health secretary umano na determinadong protektahan at ipagtanggol ang mga manggagawang pangkalusugan laban sa diskriminasyon, pananakot at karahasan kabilang ang mga kaso ng red-tagging at pagpatay.