^

Bansa

PNP: Hepe ng BuCor kasali sa 160 'persons of interest' sa Percy Lapid killing

James Relativo - Philstar.com
PNP: Hepe ng BuCor kasali sa 160 'persons of interest' sa Percy Lapid killing
This file photo shows the New Bilibid Prison in Muntinlupa City.
Philstar.com, File

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine National Police na kasama ang suspendidong director general ng Bureau of Corrections na si Gerald Bantag sa 160 "persons of interest" ngayon sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percy Lapid — ito sa dahilang nabatikos noon ng nauna ang nahuli. 

Ika-21 ng Oktubre lang nang sabihin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na suspendido si Bantag matapos mamatay sa loob ng New Bilibid Prison ang presong si Jun Villamor, na "kasabwat" daw sa pagpapapatay kay Lapid (Percival Mabasa sa totong buhay).

"Oo, kasama siya [Bantag] roon," wika ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., Lunes, sa isang press briefing .

"Nire-record namin eh... So tina-tally pa namin kung sino 'yung pinakamaraming isyu na halos maya't maya ay binabatan... ni sir Percy Mabasa. Para nang sa gayon makita natin sino ba 'yung may pinaka-isyu na pwedeng magpagawa noon."

Sabi naman ni Remulla, sa hiwalay na interview, na si Bantag ay isa nang "person of interest... at least for reckless imprudence."

Una nang sumuko si Joel Salve Escorial sa mga otoridad bilang gunman sa likod ng pagkamatay ni Mabasa habang isinisiwalat na nanggaling sa loob ng Bilibid ang utos sa pagpatay. Itinuro rin niya ang tatlo pang suspek na kanyang mga kasabwat sa krimen.

Sa parehong araw ng pagharap ni Escorial sa publiko ay bigla namang namatay si Villamor. Kilalang kritiko ni Mabasa ng administrasyon nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte.

"But not necessarily naman na dahil ikaw ang may pinakamarami ay ikaw na rin 'yung suspek... Very critical 'yung statement nung mga iniimbestigahan ngayon na nasa custody na ng ating PNP," banggit pa ni Azurin.

"In the same manner na 'yung mga inmates ni Villamor na kasama niya sa selda, dahil most probably may mga alam din 'yung mga 'yon."

Itinalaga muna si Gregorio Catapang Jr., dating chief of staff ng Armed Forces of the Philippines, bilang officer-in-charge ng BuCor habang suspendido si Bantag.

Noong nakaraang linggo lang nang pangalanan din ng Department of Justice sa isang statement ang isang Christopher Bacoto bilang isa pang middleman sa naturang pagpatay gaya na lang ni Villamor.

Kasong administratibo, kriminal

Samantala, pinaplano naman ng pamilya Mabasa ang paghahain ng kasong administratibo at kriminal laban kay Bantag kaugnay ng pagpatay. 

"Naging pabaya siya [Bantag] at nakalusot ang cellphone," ani Bertani Causing, abogado ng pamilya Mabasa, sa reporters.

"Kung hindi dahil may cellphone itong middleman hindi sana napatay si Ka Percy, wala sanang kontratang nangyari."

Matatandaang ikinanta ni Escorial na binayaran sila ng P550,000 upang patayin si Mabasa. Tinitignan naman ngayon ng Department of Justice kung maaari siyang ilagay sa witness protection program kung ikakanta ang utak sa krimen.

Umani ng matinding batikos ang pagpatay kay Lapid, na siyang ikalawang media man na napaslang sa ilalim ng panunungkulan ni Marcos Jr. — may mga ulat mula sa ONE News

BUREAU OF CORRECTIONS

MEDIA KILLING

NEW BILIBID PRISON

PERCY LAPID

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with