^

Bansa

Pagtalaga sa 'EJK expert' na ex-PNP chief bilang DOH official kinastigo

James Relativo - Philstar.com
Pagtalaga sa 'EJK expert' na ex-PNP chief bilang DOH official kinastigo
Undated file photo shows Police Lt. Gen. Camilo Cascolan.
The STAR, file

MANILA, Philippines — Kinwestyon ng ilang grupo ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. kay dating police chief Camilo Cascolan bilang bagong undersecretary ng Department of Health (DOH) — ito kahit hindi siya healthcare worker at wala pa ring secretary ang DOH.

Linggo lang nang kumpirmahin ng kagawaran ang pagkakatalaga ng dating pinuno ng Philippine National Police (PNP) sa pwesto, bagay na laman ng appointment letter na may petsang ika-19 ng Oktubre.

"Health workers prefer an undersecretary who has a clean [track] record, not a red-tagger, one whose hands are not tainted with the bloody drug war and one who truly upholds the rule of justice," ayon sa Alliance of Health Workers kahapon.

"They want to work with a health undersecretary who is an expert in eradicating deadly and infectious diseases, not an expert in violating human rights and extrajudicial killings."

Hindi kilala si Cascolan bilang doktor, nurse, dentista o ano pa, ngunit kilala bilang isa sa mga utak ng Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel — ang madugong kampanya kontra-drogang pumatay sa higit 6,252, ayon sa huling datos ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Itinataya naman ng ilang human rights advocates sa halos 30,000 ang napatay, ang ilan sa kanila walang due process.

Kasama sa mga itinalaga ni Marcos sa pwesto ay sina:

  • Charade Mercado-Grande bilang (assistant secretary)
  • Maria Lourdes Caballero Santiago (director IV)
  • Girlie Enriquez Veloso (director IV)
  • Maria Joyce Udthuhan Ducusin (director III)
  • Sophia Macaranas Mancao (director III)

Hindi pa sinasagot ng DOH kung bakit kahapon lang nila kinumpirma ang appointments ilang araw mula sa petsa ng appointment paper. Ilalabas na lang din daw nila ang mga espisipiko nilang tungkulin sa lalong madaling panahon. 

'Insulto sa health workers, mga Pinoy'

Ayon pa sa AHW, malaking insulto at kawalan ng pakialam sa buhay, kalusugan at kaligtasan ng health workers at mga Pilipino ang paglalagay ni Marcos kay Cascolan sa pwesto lalo na't aktwal na health experts daw ang pinakakwalipikadong magpatakbo ng DOH.

"AHW asserted that Cascolan’s appointment runs counter to DOH mandate of ensuring the provision of quality health service that every Filipino people deserves and in upholding the quality of life, respect for human dignity and protect the health and safety of the health workers and the Filipino people," dagdag pa ng grupo.

"With the country’s deteriorating health situation wherein poverty-related, communicable and preventable diseases like tuberculosis, COVID-19 and cardiovascular problems remained top causes of mortality and morbidity, there is a need for a free, scientific and comprehensive health approach in combatting diseases than a militarist approach."

Dati nang nabanatan ang aniya'y militaristang pamamaraan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagharap sa COVID-19 pandemic, lalo na't marami sa mga itinalagang miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ay mga militar kaysa doktor.

Muli namang nananawagan ang AHW kay Marcos na magtalaga na ng kalihim ng DOH, na siyang determinado raw na magtaas ng sahod, at pagandahin ang mga benepisyo'y working conditions maliban sa pagtindig ng nabanggit laban sa pananakot, red-tagging at killings.

Una nang sinabi ni Marcos na magtatalaga lang siya ng DOH secretary oras na "mag-normalize" ang COVID-19 situation ng Pilipinas. Kasalukuyan pa ring nakaupo bilang office-in-charge ng DOH si Maria Rosario Vergeire sa ngayon.

ALLIANCE OF HEALTH WORKERS

CAMILO CASCOLAN

DEPARTMENT OF HEALTH

EXTRAJUDICIAL KILLINGS

HUMAN RIGHTS

NOVEL CORONAVIRUS

OPLAN TOKHANG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with