Pinas, nagtala ng P172 million ‘record-breaking’ travel bookings sa loob ng 2 araw – DOT
MANILA, Philippines — Nagtala ng record-breaking para sa taong ito na P172 milyon sales sa travel booking ng Philippine Travel Exchange (PHITEX) sa loob lamang ng dalawang araw, ayon sa Department of Tourism (DoT).
Sinabi kahapon ni DOT Secretary Christina Garcia-Frasco, na ang PHITEX ay patunay ng pananabik sa bahagi ng mga manlalakbay matapos ang pandemya ng Covid-19 na mula sa mga lockdown at restrictions.
Batay sa datos mula sa Tourism Promotions Board (TPB), na pinangunahan ang ika-21 taon ng PHITEX travel trade nitong Oktubre 19 hanggang 20, nakapagtala ang travel expo ng kabuuang P172,602,851 na benta sa negosyo.
Ayon sa TPB, ngayong taon ay nalampasan nito ang mga nakaraang mga taon sa benta, maging sa panahon ng pre-pandemic travel trade na nagtala lamang ng P94.8 milyon sa 2018 at P46 millyon noong 2019.
Sa panahon ng pandemic, naitala ng TPB ang hybrid format nito noong 2020 at 2021, na nagpabagal sa mga benta na P43 milyon at P69 milyon.
“The impressive turnout of buyers and sellers, and the record-breaking numbers encapsulate the positive outlook for our country and growing interest in our destinations,” ani Frasco.
“As we embark on an aggressive campaign to revive our tourism industry and roll-out never seen before projects that will facilitate an enhanced connectivity into and around the Philippines, and provide a more convenient and seamless travel experience for guests, we anticipate more interest from local and international tourism stakeholders,” dagdag pa ni Frasco.
Ngayong taon sa pagdaraos ng PHITEX expo, sa isang hybrid format , dumalo ang international buyers at local sellers psa on-site business-to-business meetings na idinaos sa Marriott Grand Ballroom, sa Pasay City at online o virtual platform.
Nasa 116 ang buyers na kumatawan sa 32 bansa, 53 ang physically present, at 63 ang virtuall participants.
Makikita sa record na 80 porsiyento ng mga international buyer ay nakatakdang bumiyahe sa anim na post-event tour circuits: Cebu-Bohol, Negros Oriental-Siquijor, Ilocos, CALABARZON, Davao, at Metro Manila.
- Latest