Sara Duterte umapela sa mga negosyo: I-hire niyo na K-12 graduates
MANILA, Philippines — Humingi ng tulong sa mga negosyante ang kalihim ng Department of Education (DepEd) na si Bise Presidente Sara Duterte na bigyan ng trabaho ang mga nakapagtapos lang ng K-12, kontra sa college "diploma mentality" ng employers.
Ito ang sinabi ng ikalawang pangulo sa kanyang talumpati sa ika-48 Philippine Business Conference and Expo, sa dahilang napapaboran daw nang husto ang mga nakapagtapos ng apat na taon ng kolehiyo.
"Our K-12 graduates are not immediately employable and they are not hired by the labor sector," sambit ng bise kanina.
"The Department of Education is already working on how to make our grades 11-12 ready for work and are skill-ready when they graduate from the K-12 program... only mandatory education is basic education — Kindergarten to Grade 12."
Bago ang K-12 system, hanggang Grade 10 lang ang sekundarya. Pero sa pagdaragdag ng dalawa pang baitang, binibigyan ng mga "academic tracks" ang mga estudyante, maliban pa sa vocational track atbp. na pwede raw magamit para ihanda ang mga estudyante sa trabaho.
Nakikiusap si Duterte ngayong lumobo sa 5.3% ang unemployment rate sa Pilipinas nitong Agosto, na siyang katumbas ng 2.68 milyong Pinoy na walang trabaho.
"We hope to seek the support of your sector in making sure that our Grade 12 graduates are hired and employed by the industries you participate in," sabi pa ni Duterte.
Sa kanyang talumpati, sinabi naman ni Philippine Chamber of Commerce and Industry president George Barcelon na kailangang i-review ang K-12 system para maisang-alang-alang ang mabilis na paglago ng teknolohiya.
Taong 2018 lang lumabas ang balitang 24% lang firms ang handang mag-hire ng K-12 graduates. Hulyo lang nang sabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na muli nilang titignan kung "viable" pa rin ba talagang ituloy ang K-12.
Una nang binatikos ng mga progresibo ang sistema ng K-12 lalo na't lilikha lang daw ng mas maraming kontraktwal at unemployed ang paglalako ng mas mababang antas ng pag-aaral.
Puro part-time bagong trabaho ngayong pandemya
Kanina naman nang ilabas ng IBON Foundation ang ilang datos, na siyang nagpapakita na karamihan ng mga trabahong nalikha ngayong COVID-19 pandemic ay panay "part-time" at "informal work."
"Rampant job informality means many Filipinos have a hard time making ends meet as inflation keeps worsening," sabi ng economic think tank.
Rampant job informality means many Filipinos have a hard time making ends meet as inflation keeps worsening.
— IBON Foundation (@IBONFoundation) October 19, 2022
Hi-res version on our website: https://t.co/M3Gj86hfoo#MalalangEkonomiya #PeopleEconomics pic.twitter.com/ogz9zU9eyv
- Latest