^

Bansa

Walang trabaho sa 'Pinas sumirit sa 2.68-M habang inflation humahagupit

James Relativo - Philstar.com
Walang trabaho sa 'Pinas sumirit sa 2.68-M habang inflation humahagupit
A long queue of commuters wait for rides along Ortigas Extension in Cainta and Taytay, Rizal on Wednesday morning, Sept. 14, 2022.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Dumami pa ang bahagi ng mga "unemployed" na Pinoy sa pagtungtong ng jobless rate sa 5.3% nitong Agosto 2022, ito kasabay ng mabilis na pagkaubos ng pera ng mga pamilya dahil sa bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin (inflation rate).

Ito ang napag-alaman ng Philippine Statistics Authority matapos i-survey ang nasa 10,810 pamilya. Umakyat na kasi sa 2.68 milyon ang walang trabaho noong Agosto mula sa dating 2.6 milyon isang buwan bago ito.

"[The unemployed persons are] registering a month-on-month increase of 78.64 thousand unemployed individuals," dagdag pa ng ahensya sa isang pahayag, Huwebes.

"However, the number of unemployed persons in August 2022 was lower by 1.20 million compared with the number of unemployed persons in August 2021."

Sa kabila nito, ineestima naman sa 94.7% ang employment, bagay na mas mataas kumpara sa 91.9% noong kaparehong panahon last year. Tinatayang nasa 47.87 milyon lahat-lahat ang may trabaho sa bansa ngayon.

May trabaho dumarami kaso 'low quality' jobs hawak

Sa kabila ng pagdami ng may trabaho, kapansin-pansing tumaas naman ang underemployment rate nitong Agosto. Ibig sabihin nito, may trabaho nga ang mga tao ngunit para sa mas maiksing oras at mas mababang sweldo.

Umabot na sa 14.7% ang underemployment, na siyang katumbas ng 7.03 milyong may trabahong naghahanap pa rin ng dagdag na empleyo at dagdag na oras sa trababho.

Samantala, pinakamalaking pagbagsak naman ang naitala sa bilang ng mga may trabaho sa sumusunod na sektor:

  • fishing at aquaculture (-286 thousand)
  • construction (-258 thousand)
  • arts, entertainment and recreation (-64 thousand)
  • human health and social work activities (-37 thousand)
  • real estate activities (-37 thousand)

Napag-alaman ang mga sumusunod na datos pagdating sa unemployment matapos lang iulat na umabot na sa 6.9% ang inflation rate nitong Setyembre 2022, bagay na lalong magpapahirap sa buhay ng mga naitalang walang trabaho. 

EMPLOYMENT

JOBLESS

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

WORK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with