^

Bansa

Kaso ng tigdas tumalon ng 153%; 'outbreak' natatanaw sa 2023

Philstar.com
Kaso ng tigdas tumalon ng 153%; 'outbreak' natatanaw sa 2023
A child reacts during a Philippine Read Cross Measles Outbreak Vaccination Response in Baseco compound, a slum area in Manila on February 16, 2019. A growing measles outbreak in the Philippines killed at least 25 people last month, officials said, putting some of the blame on mistrust stoked by a scare over an anti-dengue fever vaccine.
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Lumobo lalo ang bilang ng naitatalang kaso ng tigdas at tigdas-hangin mula Enero hanggang Setyembre 2022, bagay na inanunsyon ng Department of Health (DOH) habang nariyan ang posibilidad ng "outbreak" ng sakit sa susunod na taon.

Simula nang pumasok ang taon, umabot na kasi sa 450 ang kaso ng measles at rubella sa Pilipinas.

"Cumulatively, cases this year is 153% higher compared to 178 cases reported during the same period in 2021," wika ng kagawaran, Miyerkules.

Karamihan sa mga nabanggit na kaso ay nagmula sa:

  • CALABARZON: 70 (16%)
  • Central Visayas: 61 (14%)
  • National Capital Region: 47 (10%)

Martes lang nang sabihin ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nakikita na ng World Health Organization at UNICEF ang posibleng pagputok ng measles outbreak sa 2023 dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng fully immunized children.

Nasa 62.9% lang ngayon ang coverage ng mga FIC kahit na 95% sana ang target ng gobyerno. Kaugnay nito, umaabot na sa 3 milyong bata ang hindi pa nakakukuha ng anuman sa dalawang doses ng measles vaccine.

"Regions IVA, VIII, IX, X and XII showed case increases in the recent four morbidity weeks (August 21 to September 17, 2022)," dagdag pa ng DOH.

"For the recent four morbidity weeks (August 21 to September 17, 2022), 5 out of 17 regions (Regions II, IVA, V, VII, and NCR) surpassed the measles epidemic threshold levels."

Kasalukuyang nakakikita ng measles clusters sa mga sumusunod na lugar:

  • Ilocos Region (Brgy. Caranglaan, Dagupan City, Pangasinan)
  • Zamboanga Peninsula (Brgy. Balangasan, Pagadian City, Zamboanga del Sur)

Sa buong bansa, nasa 36 na ang tinitignan bilang "laboratory confirmed measles," habang 37 kaso naman ang laboratory confirmed rubella.

Dalawa na ang naitatalang namatay dahil sa MR cases simula noong morbidity weeks 1-37, bagay na naiulat noong Agosto at Setyembre.

Noong taong 2018, umabot sa 140,000 measles deaths ang naitala sa buong mundo kahit na meron nang mga bakuna. Karamihan sa kanila ay lima anyos pababa, ayon sa WHO.

Magkaiba ang measles at rubella (kilala rin bilang German measles) kahit magkahawig ang sintomas lalo na't magkaiba ang virus na nagdudulot sa kanila. Ayon sa The Mayo Clinic, mas nakahahawa ang tigdas kaysa tigdas-hangin. Sa kabila nito, iisa lang ang ginagamit na bakuna laban sa dalawa. — James Relativo

DEPARTMENT OF HEALTH

MEASLES

OUTBREAK

RUBELLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with