MANILA, Philippines — Bagama't inaasahang lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong "Inday" mamayang gabi, isang low pressure naman ang namataan silangan hilagangsilangan ng Extreme Northern Luzon — pero hindi pa ito banta sa ngayon.
Bandang 4 a.m. nang mamataan ang sentro ng Typhoon Inday 425 kilometro hilagang silangan ng Itbayat, Batanes, Lunes, ayon sa PAGASA.
- Lakas ng hangin: 155 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 190 kilometro kada oras
- Direksyon: 10 kilometro kada oras
- Bilis: hilaga hilagangkanluran
"Gusty conditions reaching strong to gale-force strength may be experienced over Extreme Northern Luzon tomorrow through Wednesday due to the channeling of the typhoon circulation in the Luzon Strait," wika ng state weather bureau.
"On the track forecast, Typhoon INDAY will move slowly northward, either pass close or make landfall in the vicinity of Yaeyama Islands this morning or afternoon, and exit the Philippine Area of Responsibility (PAR) tonight or tomorrow early morning."
Hindi naman nakikitang magdadala ng matitinding pag-ulan ang bagyong "Inday" sa Pilipinas sa kabuuan ng forecast period sa ngayon, ito habang mababa na rin ang tiyansang magkaroon pa ng Tropical Cyclone Wind Signals kaugnay nito.
Sa kabila nito, inaasahang magdadala ang bagyo ng katamtaman hanggang mararahas na karagatan sa eastern seaboard at nalalabing northern seabord ng Northern Luzon (1.2 hanggang 3.0 m).
Delikado raw ito para sa maliliit na sasakyang pandagat, dahilan para abisuhan ng state meteorologists ang mga marino na mag-ingat bago pumuna sa dagat.
"INDAY is forecast to gradually weaken throughout the forecast period due to the cooler waters over sea east of Taiwan (resulting from upwelling brought on by the slow movement of the typhoon) and East China Sea, and increasing vertical wind shear along its projected path," patuloy pa nila.
LPA namataan, pero hindi pa banta
Samantala, isa pang LPA ang namataan ng PAGASA 1,995 kilometro silangan hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon sa ngayon.
Karaniwang ito ang pinanggagalingan ng mga bagyo. Pero hindi pa naman daw dapat mabahala sa ngayon.
"Inaasahan po nating itong [LPA] ay hindi papasok sa PAR at ito ay kikilo pa-northwestward patungo sa Japan," ani PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio kaninang umaga.