^

Bansa

431 Bulakeños, nakatanggap ng pabahay mula sa NHA

Pilipino Star Ngayon
431 Bulakeños, nakatanggap ng pabahay mula sa NHA

BULACAN, Philippines — Pinangunahan ni National Housing Authority (NHA) General Manager (GM) Joeben Tai ang pamamahagi ng pabahay para sa 431 na kwalipikadong benepisyaryo ng NHA housing projects sa San Jose del Monte, Bulacan nitong Setyembre 6, 2022.

Sa seremonya na ginanap sa San Jose del Monte City Convention Center sa Brgy. Sapang Palay Proper, binati ni GM Tai ang mga benepisyaryong nakatanggap ng pabahay. Giit niya, “Tunay ngang nakakapag-bago ng buhay magkaroon ng sariling bahay."

 

Para naman sa mga pamilyang nangangarap na magkaroon ng sariling bahay, tiniyak ni GM Tai na ang Administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos, Jr. ay pursigido sa programa nitong Build Better and More (BBM) housing. "Sa tulong ng lokal na pamahalaan, tayo ay makikipag-tulungan upang bigyan kayo ng disente, ligtas, at maayos na pabahay," dagdag ni GM Tai.

Samantala, sa 431 na tumanggap ng pabahay, 154 na benepisyaryo ay mula sa Pleasant View Residences, 128 na pamilya mula sa St. Joseph Ville, 104 sa San Jose Del Monte Heights, at 45 sa Rising City Village.

Isa sa mga masuwerteng napabilang na mapagkalooban ng pabahay ay si Ginoong Verhilio C. Lagarde, benepisyaryo sa NHA Rising City Village. Ayon sa kaniyang kuwento, 20 na taon silang nangungupahan ng kaniyang pamilya bago siya mabigyan ng pabahay ng NHA. Ngayong may sarili na siyang bahay, "Masaya ako dahil malaking bagay ang pabahay ng NHA upang maibsan ang aming kahirapan. Dahil sa tulong ng NHA, ang pangarap naming magkaroon ng sariling bahay ay natutupad na."

Dagdag pa ni Ginoong Lagarde, "Natagalan man ang pagkakaloob ng pabahay, mas masarap ang may hinihintay kaysa sa wala."

 

Kasama ni GM Tai sa pamamahagi ng pabahay sina San Jose City del Monte City Mayor Arthur B. Robes, Bulacan District Representative Florida P. Robes, San Jose del Monte City - District I Committee on Housing Chairman Hon. Glenn M. Villano, at Human Settlements Region III Officer-in-Charge Felix V. Brazil, Jr.

Dumalo rin sa naturang okasyon sina NHA Region III Officer-in-Charge Minerva Y. Calantuan, Bulacan District Manager Ar. Ma. Fatima T. Dela Cruz, at iba pang opisyal ng NHA at lokal na pamahalaan.

HOUSING PROJECT

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with