91.5 milyong balota iimprenta sa BSKE
MANILA, Philippines — Inaasahang maiimprenta ng Commission on Elections (Comelec) ang 91.5 milyong balota para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre 2022.
“If it pushes through, voters for the barangay elections will reach 67,061,585. As for the SK voters, which is composed of the 15 to 17 years old and the 18 to 30, it will reach 24,457,363,” ani Comelec Acting Spokesperson John Rex Laudiangco sa isang programa sa radyo.
“All in all, we will be printing 91,518,958,” aniya.
Paliwanag niya, mas maraming balota ang iimprenta para sa BSKE kumpara sa nakalipas na may elections dahil ang mga botanteng nasa edad 18 hanggang 30 ay dalawa ang ibibigay na balota. Ito ay para sa regular barangay election habang ang isa ay sa SK election.
Umaasa ang Comelec na masisimulan na ang pag-imprenta sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City bago pa ang kalagitnaan ng buwan ng Setyembre.
“We need to finish it because we still need to check the ballots…we need to allot time to check and verify if the ballots are correct,” ani Laudiangco.
Aniya, kailangan nilang suriin kung may bahid ang balota o may mali itong spelling bukod sa iba pa.
- Latest