^

Bansa

DOH ayaw pa sa Iloilo lockdown vs monkeypox ngayong 'local transmission' bineberipika pa

James Relativo - Philstar.com
DOH ayaw pa sa Iloilo lockdown vs monkeypox ngayong 'local transmission' bineberipika pa

MANILA, Philippines — Hindi pa napapanahon ang anumang "lockdown" sa Lungsod ng Ilolilo laban sa monkeypox sa kabila ng pagkakaroon ng kaso roon na walang travel history sa mga bansang meron nito pati na ang kanyang close contacts, giit ng Department of Health, Huwebes.

Ito ang sabi ng kagawaran kagabi matapos ianunsyo ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nitong Martes na "hindi pa pwede i-rule out" ang posibilidad ng local transmission ng monkeypox kaugnay ng sitwasyon ng ikaapat na kaso ng Pilipinas sa ngayon.

"[The] DOH does not recommend lockdown due to the confirmation of a fourth case of monkeypox residing in Iloilo," sabi ng DOH sa isang pahayag sa media.

"The confirmed case and the identified close contacts are under monitoring and strict quarantine."

Ika-23 ng Agosto nang sabihin ng DOH na umabot na sa 14 ang close contacts ng 25-anyos mula sa Iloilo. 

Lahat sila ay sinasabing wala pang sintomas ng monkeypox at wala rin exposure o kasaysayan ng pagpunta sa mga bansang meron ng kinatatakutan at nakamamatay na sakit.

Nagpapatuloy pa rin naman daw ang pagsasagawa at pagkukumpirma ng contact tracing sa ngayon habang hindi pa 100% natitiyak ang local transmission.

"The Department would also like to reiterate that the verification of their information is crucial as through this, we can clarify and confirm the source of infection," banggit pa ng DOH.

"Rest assured that we will be updating once we have all the factual information about the case. Regardless if local transmission is or is not present, the country's preventive measures for Monkeypox will act as if such is happening."

Dati nang kinastigo ng mga senador ng 18th Congress si dating Health Secretary Francisco Duque III matapos niyang palagan ang maagang pagpigil sa mga flights mula Tsina noong nagsisimula pa lang ang COVID-19 pandemic noong 2020, bagay na kumalat na sa Pilipinas ngayon.

Matindi ang naging epekto ng COVID-19 lockdowns sa ekonomiya at pagkilos ng publiko sa nakaraang dalawang taon, ang ilan dito dama pa rin hanggang ngayon.

Una nang sinabi ng DOH na kumakalat ang monkeypox kapag nagkadikitan ng balat ang isang meron nito atbp. Pinaaalalahanan ng DOH ang lahat na agad kumunsulta sa mga pagamutan kung biglang makaranas ng lagnat, pamamaga ng kulani at pagkakaroon ng butlig sa balat kung sila'y may nakasalamuhang suspected case.

Ang monkeypox ay hindi tulad ng COVID-19 na kumakalat sa hangin. Dagdag pa nila, kadalasa'y "mild" ang sintomas ng monkeypox at bibihirang makamatay — pero nangyayari pa rin. 

DEPARTMENT OF HEALTH

ILOILO

LOCKDOWN

MONKEYPOX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with