MANILA, Philippines — Pinuri ni Secretary of State Antony Blinken ang mga Pilipinong nurses na nagtatrabaho sa Estados Unidos at tinawag silang mga “anghel” na nagmamalasakit sa maraming paraan.
Sinabi ni Blinken na walang gaanong mga anghel sa mundo pero mayroong mga anghel sa Estados Unidos, kabilang sa mga anghel ang mga Filipino nurses.
“There are not so many angels in the world. But if there are angels in the United States, among the angels are the Filipino nurses who are caring in so many ways all throughout our country for our fellow Americans,” ani Blinken ng mag courtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“And I have to tell you, I have felt that in my own family with different experiences in the past. And that, on a most human level, is profoundly touching,” ani Blinken kay Marcos.
Sa kanyang bahagi, sinabi ni Marcos na “lubhang ipinagmamalaki” niya ang lahat ng mga healthcare workers na patuloy na lumalaban sa COVID-19 pandemic.
“We are so terribly proud of our healthcare workers, the doctors and nurses, the Filipinos who have been working in the United States and the way they performed in the face of COVID,” ani Marcos.
Sinabi rin ni Marcos na ang dedikasyon na ipinakita ng mga Filipino healthcare workers ay isang pagpapahalagang dapat ipagmalaki ng bawat Pilipino.