Bagyong Ester, bumilis

MANILA, Philippines — Bumilis ang Tropical Depression Ester habang kumikilos pakanluran sa may Philippine sea.

Batay sa advisory ng Pagasa, alas-11 ng umaga kahapon, si Ester ay kumikilos pakanlurang direksyon sa bilis na 20 kilometro kada oras sa silangan ng extreme Northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kph at pagbugso na umaabot sa 55 kph.

Namataan ang sentro ni Ester sa layong 550km silangan ng Itbayat, Batanes.

Ayon sa Pagasa, mananatiling tropical depression si Ester hanggang sa susunod na 36 oras.

Inaasahang lumabas na ng Philippine Area of Responsibility si Ester kagabi ng alas-8.

Samantala, sa susunod na 24 hours, maaapektuhan ni Ester ang habagat na magdudulot ng mga pag-ulan sa mga lalawigan sa western sections ng Central at Southern Luzon kasama ang Metro Manila at Visayas.

Show comments