^

Bansa

DOH kinumpirma unang kaso ng 'Monkeypox' sa Pilipinas sa 31-anyos na Pinoy

James Relativo - Philstar.com

MANILA, Philippines (Updated 4:24 p.m.) — Kumpirmado nang natukoy ang unang kaso ng kinatatakutang  "Monkeypox" sa Pilipinas sa isang Pinoy na nanggaling sa ibayong-dagat, ayon sa isang pahayag Department of Health (DOH).

Ito ang sabi ni DOH deputy spokesperson Beverly Ho, Biyernes, sa isang press briefing ng Palasyo.

"The DOH detects the first confirmed case of monkeypox in the Philippines," sabi ni Ho kanina.

"The case is a 31-year-old Filipino national who arrived from abroad last July 19... The case had prior travel to countries with documented monkeypox cases."

 

Napag-alamang positibo sa naturang sakit ang pasyente matapos sumailalim sa RT-PCR test ng DOH Institute for Tropical Medicine noong ika-28 ng Hulyo.

Nakumpleto na raw ng kagawaran ang case investigation nito at identification ng close contacts ng pasyente, bagay na umabot sa 10. Tatlo sa kanila ay nakatira sa parehong bahay ng nagpositibo.

"The case has been discharged well and is undergoing strict isolation and monitoring at home," dagdag pa ni Ho.

"All [of the close contacts] have been advised to quarantine and are being monitored by the department."

Mayo lang ng taong ito nang magtakda ng isolation facilities ang Pilipinas para sa monkeypox cases, bagay na maaaring ikamatay.

Sinasabing pinakananganganib sa dapuan nito sa bansa ay ang mga "vulnerable sector" ayon sa infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante.

Tiniyak naman ng DOH sa lahat na ang public health surveillance systems ng Pilipinas ay may kapasidad maka-detect at mag-confirm ng monkeypox cases.

Pareho ba 'yan sa COVID-19?

Hindi gaya ng COVID-19, ibang microorganism ang nagdudulot ng monkeypox, na minsa'y nauuwi sa pagkamatay.

"Investigation of recent monkeypox cases in other non-endemic countries indicate potential transmission through sexual contact," patuloy pa ni Ho.

"It spreads mostly through by intimate sexual contact with those who have rashes or open lesions. It is not like COVID-19 that spreads mostly through air."

Bagama't public health emergency ito na of "international concern," sinabi ng DOH na makatutulong ang publiko sa pagkontrol ng pagkalat nito sa pamamagitan ng pag-minimize sa close sexual contact sa mga suspected cases lalo na yaong may mga rashes o open wounds.

Makatutulong din daw na panatilihing malinis ang mga kamay, pagsusuot ng face masks, pagtatakip sa bibig tuwing uubo gamit ang siko at pagpili ng mga lugar na may mainam na ventilation o air flow.

"The DOH also wishes to emphasize that while anyone may get it, but if you have travel history to countries with monkeypox and then have symptoms like fever... kulane and rashes, that's the time that you need to seek medical attention," patuloy pa ni Ho.

"This will help hasten recovery." 

Para sa karagdagang mga detalye patungkol sa nasabing sakit, puntahan lamang ang website na bit.ly/MonkeypoxFacts.

DEPARTMENT OF HEALTH

MONKEYPOX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with