MANILA, Philippines — Nakatakdang dalhin sa sa Misamis Occidental ang mga labi ni Jeneven Bandiala, security guard sa Ateneo de Manila University (AdMU), na nasawi sa pamamaril noong Linggo.
Ayon sa ulat ng GMA News, wala pang petsa ang paghatid ng labi ni Bandiala sa naturang probinsya dahil inaasikaso pa ang mga dokumento.
Related Stories
Kasalukuyang nasa St. Ignatius Funeral Homes, Quezon City ang mga labi ni Bandiala.
Kaugnay nito, nagkasa ng isang fund-raising drive ang Unibersidad para sa pamilya ng nasawing security guard.
"Security Guard Jeneven Bandiala, one of our security guards at the Loyola Heights campus, was killed in the senseless crime at Areté last 24 July 2022," ayon sa paskil nitong Lunes.
"For those who would also like to extend financial assistance to S/G Bandiala's loved ones, the University has opened a scan-to-pay donation channel. All donations will be given to Jeneven's family."
"We thank you in advance for your help."
Bukod kay Bandiala, nasawi rin sa pamamaril sina dating Lamitan City mayor Rose Furigay at kanyang executive assistant na si Victor Capistrano.
Sugatan naman ang anak ni Furigay na si Hannah na siyang graduating law student.
Samantala, kasalukuyan namang nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek na si Dr. Chao-Tiao Yumol na mula rin sa Lamitan City.
Nagsagawa naman ng online novena Masses ang Unibersidad para sa mga biktima ng insidente. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles