MANILA, Philippines — Nagpaabot ng pakikiramay at pagkundena ang Comission on Higher Education (CHED) ang pamamaril sa Ateneo de Manila University (ADMU) sa Quezon City, na nag-iwan ng tatlong katao at at ikinasugat ng ilan nitong weekend.
Linggo nang mapatay ang tatlong katao bago ang graduation rites ng Ateneo Law School. Nasawi sa pamamaril sina ex-Lamitan City Mayor Rosita Furigay, executive assistant na si Victor George Capistrano at gwardyang si Jeneven Bandiola.
Related Stories
"We would therefore like to extend our condolences to the families of the victims of this act of violence and to the Ateneo Community as a whole," ani CHED chairperson Prospero de Vera, Linggo.
"CHED, and the entire higher education community, condemn this act of ciolence committed inside a higher education institution (HEI). We entrust our law enforcement authorities to bring to justice those responsible for this."
READ: Statement of CHED Chairman J. Prospero De Vera III on the Shooting Incident in Ateneo de Manila University on 24 July 2022 pic.twitter.com/OfBDcPMQGo
— Commission on Higher Education (CHED) (@PhCHED) July 25, 2022
Personal na kilala ni De Vera si Furigay, na dati na raw tumatanggap sa kanya sa tuwing bumibisita sa Lamitan City.
Una nang kinilala ng pulisiya ang suspek bilang si Ramil Nicomedez. Sa kabila nito, iba ang suspek na pinangalanan sa pahayag ng opisina ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa katauhan ni Chao-Tiao Yumul.
Kahapon lang nang sabihin ni Yumul sa isang interbyu ng media na "tatlong beses" na raw siyang pinapa-ambush daw ng pamilya Furigay. Ayon kay Quezon City Police District Director PBGen Remus Medina, may personal na alitan daw siya sa dating alkalde.
"In addition to the tragic loss of lives, such events lead to post-traumatic distress among victims and to those who have witnessed these," dagdag pa ni De Vera sa isang pahayag.
"This incident also highlights the importance of keeping our campuses safe and secure as places of learning, inclusivity and peace."
Sinasabing nilalapatan ng lunas ang anak ng namatay na dating mayor na si Hannah Uy Furigay. Sinasabing naroon ang anak ni Rosita dahil sa magtatapos sa pag-aaral.
'Mahusay na lider'
Nangako naman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na "mabilis" nilang paiimbestigahan ang naturang patayan upang mabigyan ng katarungan ang mga biktima.
"We commit our law enforcement agencies to thoroughly and swiftly investigate the killings and bring all involved to justice," ani Marcos kahapon.
Kinundena rin ng ilang Basilan leaders ang pagpatay sa dating three-termer mayor at kanyang aide.
Tinawag ni Basilan Gov. Jim Salliman na gawain ng isang barbaro ang ginawa ng suspek, bagay na dapat daw mabigyan agad ng judicial closure.
Kinilala niya si Furigay bilang mahusay na pinuno na siyaqng umupo ng siyam na taon. Nabigyan ng ilang Seal of Good Local Governance citations ang Lamitan City sa ilalim ng kanyang pamumuno mula sa Department of the Interior and Local Government.
Related video: