Bayanihan e-Konsulta ilulunsad muli ni ex-VP Robredo; mahigit 1,000 volunteers sumali na
MANILA, Philippines — Muling magbabalik ang Bayanihan e-Konsulta na sinimulan ni former Vice President Leni Robredo sa ilalim ng kanyang non-government organization na Angat Buhay NGO.
Ang Bayanihan e-Konsulta, na inilunsad ni Robredo bilang responde sa paglala ng pandemiya sa bansa, ay isang telecommunication medical service na nagbibigay ng libreng konsultasyon para sa mga pasyente at sa mga nahawaan ng COVID-19 sa tulong ng mga volunteer doctors.
“Dahil sa pagdami na naman ng COVID cases dito sa atin, magbubukas pong muli ang Bayanihan e-Konsulta,” inihayag ni Robredo sa kanyang Facebook page.
Mahigit 1,100 na Filipino na ang naghayag ng kagustuhan mag-volunteer, higit sa 50 non-medical at 40 medical volunteers na hinanap ng NGO nang buksan muli ang programa.
“In less than 20 minutes, 1,100 volunteers already signed up for the resumption of Bayanihan e-Konsulta. Thank you. The spirit of volunteerism is alive and well,” sinabi ng former president sa kanyang Twitter account.
In less than 20 minutes, 1,100 volunteers already signed up for the resumption of Bayanihan e-Konsulta. Thank you???????? The spirit of volunteerism is alive and well????
— Leni Robredo (@lenirobredo) July 20, 2022
Mananatiling nasa remote setup o work-from-home pa rin ang lahat ng volunteers. Nanawagan si Robredo sa lahat ng gustong sumali na siguraduhin na may sariling computer, at internet connection para sa e-konsulta.
Sa mga gustong sumali, maaring sagutan ang form na ito bit.ly/ABekonsulta, at ito naman kung ikaw ay isang medical volunteer bit.ly/ABekonsultadocs.
Unang inilunsad ang Bayanihan e-Konsulta noong April 2021 matapos tumaas muli ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa na nagresulta sa isa na namang lockdown sa Metro Manila at mga karatig lalawigan. — Philstar.com intern Jomarc Corpuz
- Latest