DOH: COVID-19 cases pwede lumobo sa 11,000/araw sa 'rurok' ng infections ngayong Hulyo

Toy enthusiasts visit the Philippine Toys, Hobbies, and Collectibles Convention or ToyConPH at SM Megamall in Mandaluyong City on Friday, July 8, 2022.
The STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Kung patuloy na bababa ang sumusunod sa COVID-19 health protocols, mananatili ang lebel ng mobility at mababang bilang ng nagpapa-booster, hindi raw malayong maabot ang panibagong "rurok" sa arawang infections sa pagtatapos ng buwang ito sa bilang na 11,000.

Ito ang pagbabahagi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Martes, sa panayam ng CNN Philippines kasabay ng pagharap ng bansa sa pagtaas din ng nahahawaan ng dengue.

"As to the increase of the number of cases, the updated projections would state that the peak might be by the end of this July," wika ni Vergeire kanina patungkol sa nakamamatay na virus.

"But nothing is certain. These are just projections. There are lots of things that can contribute to us not reaching this or us really reaching that as early as maybe third week of July."

"Based on the projections, it is as low as 1,800 cases nationally to as high as 11,000 cases nationally."

Aniya, nakabatay ito sa assumptions na mababawasan ang minimum public health standard complance ng 25%, maliban pa sa pagpapanatili ng kasalukuyang mobility patterns sa mababang nagpapaturok ng COVID-19 booster shots.

Bagama't 71.09 milyon na ang nakakukuha ng kumpletong COVID-19 primary series, tanging 15.19 milyong booster doses pa lang ang naituturok sa Pilipinas, ayon sa pinakasariwang datos ng Department of Health (DOH).

Mahalaga ito para mapataas uli ang immunity ng publiko laban sa deadly virus, lalo na't bumababa ang bisa ng mga itinuturok na bakuna sa publiko habang tumatagal.

"So yes, it might still increase until the end of the month. And what we are trying to [tell] the public would be if we do not uptake our boosters, the wall of immunity is going down, we are going to see, based in our projections, increase in the number of cases towards the end of August and start of September," dagdag pa niya.

"The mobility [level right now] is expected because we have opened up our sectors already. What we need to just ensure would be that people comply with the masking mandate and also that people comply with our vaccination strategies like improving our booster doses."

Kaalinsabay niyan, malaki raw ang posibilidad na makakita ng mas mataas na bilang ng COVID-19 hospitalizations sa pagtatapos ng Agosto o simula ng Setyembre.

'Low-risk' kahit kaso, subvariants dumarami

Sa hiwalay na media briefing kanina, sinabi ng Kagawaran ng Kalusugan na naka-detect ang Pilipinas ng karagdagang 79 kaso ng COVID-19 Omicron BA.5, BA.2.12.1 at BA.4 subvariants na siyang mas mabilis kumalat kaysa karaniwan.

Bagama't dumarami ito, pati na ang local cases, iginigiit ng DOH na napipirmi ang Pilipinas sa "low-risk" classification pagdating sa COVID-19.

Sinasabi ito ng kagawaran ngayong mababa raw sa ngayon ang severe at critical admissions.

Aabot sa 1,660 bagong COVID-19 cases ang naidagdag nitong Lunes, dahilan para umabot na sa 3.72 milyon ang nahahawaan ng sakit simula nang makapasok ito sa bansa noong 2020.

Labis 'yang mas mataas kumpara sa ilang daan lang buwan pa lang ang nakalilipas. Umabot na sa 60,640 katao ang namamatay sa virus sa ngayon sa bansa. — may mga ulat mula sa ONE News

Show comments