President Marcos Jr. nangako: History books, lessons 'hindi babaguhin'
MANILA, Philippines — Naninindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat nang baguhin ang mga pamamaraan at kagamitan sa edukasyon ng mga sa ilalim ng sariwa niyang administrasyon — pero "hindi raw niya pakikialaman" ang pagtuturo ng kasaysayan.
"What we teach in our schools, the materials used, must be retaught. I am not talking about history," wika ni Bongbong, Huwebes, sa kanyang talumpati matapos manumpa bilang bagong head of state ng Republika ng Pilipinas.
"I am talking about the basics: the sciences, sharpening theoretical aptitude and imparting vocational skills such as in the German example."
Talamak ang historical revisionism patungkol sa pamilya ni Bongbong, lalo na patungkol sa isyu ng diktadura ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na kilala sa pagdedeklara noon ng Martial Law.
Sa ilalim ng panunungkulan ng kanyang ama, nangyari ang kaliwa't kanang human rights violations, pagbagsak ng ekonomiya at malawakang nakawan sa kaban ng bayan — bagay na pilit ibinabaluktot ng ilan lalo na online.
Pero giit ni Marcos Jr., gagamitin daw nilang instrumento ang pambansang wikang Filipino — pati na ang paggamit ng "global languages — upang mapahusay ang estado ng edukasyon sa Pilipinas.
"Our teachers, from elementary, are heroes fighting ignorance with poor paper weapons. We are condemning the future of our race to menial occupations abroad," wika pa niya, habang tinutukoy ang mga pinipiling maging overseas Filipino workers dahil sa kahirapan.
"Once, we had an education system that prepared coming generations for more and better jobs. There is hope for a comeback. Vice President and soon Secretary of Education Sara Duterte-Carpio will fit that mission to a tee."
Si Digong ay tatay ni Bise Presidente Sara Duterte, na naging running mate ni Marcos Jr. noong eleksyon.
Ika-25 lang ng Mayo nang sabihin ni Sen. Imee Marcos, kapatid ni Bongbong, na "second chance" ng kanilang pamilya ang pagbabalik ng mga Marcos sa Palasyo habang ipinipilit na sila'y "inapi" sa pamamagitan ng pagharap sa mga "kung anu-anong" kaso.
Kinikilala ng Korte Suprema noong 2003, 2012 at 2017 na merong ill-gotten wealth ang kanilang pamilya, bagay na tinatayang nasa $5 bilyon hanggang $10 bilyon.
Tulak ng edukasyon noon
Sa ilalim ng 1973 Constitution, na siyang ginamit noong diktadura, idinidiin na dapat ituro ng mga paaralan ang:
- pagmamahal sa bansa
- pagtuturo ng responsibilidad ng mga mamamamayan
- pagde-develop ng "moral character"
- disiplina
- scientific at vocational efficiency
Bagama't ipinagmamalaki ni Marcos Jr. ang education system noong "lumikha ng mas marami't mas magandang mga trabaho" — na nakapigil daw sa pagkuha ng "menial jobs" ng OFWs — sinasabi ng ilang mananaliksik na na-institutionalize ang labor export sa ilalim ni Marcos Sr.
Inimbestigahan sa papel na ito ang relasyon ng agendang "Bagong Lipunan" ni Marcos sa globalisasyon ng migrant labor at state sponsorship ng labor exports.
- Latest