^

Bansa

'Caloy' nasa PAR pa rin; pag-ulan sa kanlurang Luzon at Visayas asahan

Philstar.com
'Caloy' nasa PAR pa rin; pag-ulan sa kanlurang Luzon at Visayas asahan
Track at intensity forecast ng Tropical Depression Caloy
PAGASA

MANILA, Philippines — Patuloy pa ring uulanin ang kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas bunsod ng Tropical Depression Caloy. 

Huling namataan si Caloy sa layong 395 kilometro kanlurang bahagi ng Iba, Zambales. 

  • Lakas ng hangin: 45 kilometro kada oras malapit sa sentro
  • Bugso ng hangin: aabot sa 55 kilometro kada oras
  • Pagkilos: mabagal na gumagalaw pa-northwestward palabas ng PAR

Binabagtas ni Caloy ang hilagang kanlurang bahagi palabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Inaasahang bukas ng madaling araw o bukas ng umaga tuluyan nang makakalabas ng PAR si TD Caloy.

Walang tropical cyclone wind signal na nakataas.  

Ayon sa weather forecast ng PAGASA, bagamat malayo man sa kalupaan si Caloy, magdudulot pa rin ito ng mahihina hanggang sa malalakas na pag-ulan at bugso ng hangin bunsod ng umiiral na southwest monsoon o habagat. 

Magdudulot ng katamtaman hanggang malalakas na hangin at ulan ang habagat lalo na sa extreme Northern Luzon maging sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas. Inaasahan ding nasa katamdatam at maalong karagatan. 

“Magiging mabagal ang pagkilos nito ang pabago-bago pa ang pagkilos nito and then bukas ineexpect natin na maaari na nga itong lumabas sa ating area of responsibility ngunit hindi pa rin natin inaalis ‘yung posibilidad na maaaring magbago sa kilos nito at maaari pa itong maglagi ng medyo mas matagal pa sa loob ng PAR,” sabi ng PAG-ASA, Miyerkules. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan

CALOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with