^

Bansa

Nigeria handang tumulong sa Pinas sa supply ng langis

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakahanda ang Nigeria na tulungan ang Pilipinas sa suplay ng langis, ayon kay Nigerian Ambassador to the Philippines Folakemi Ibidunni Akileye.

“Nigeria is ready to collaborate, do some work with the Philippines…We can [help]. I actually mentioned to the president-elect as well,” wika ni Akileye sa isang press conference pagkatapos ng kanyang courtesy visit kay President-elect Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Akileye, ang Nigeria na isa sa pinakama­laking producer ng langis sa mundo, ay makakatulong na patatagin ang suplay at presyo ng langis sa Pilipinas. Pangatlo ang Nigeria sa pinakamalaking producer ng natural gas sa mundo.

Pero binanggit din ni Akileye na wala pa namang pormal na planong nabuo tungkol sa posibleng pakikipagtulungan sa pagitan ng Nigeria at Pilipinas dahil kailangan pang tingnan ang mga “modalities.”

Una nang sinabi ni South African Ambassador to the Philippines Bartinah Ntombizodwa Radebe-Netshitenzhe kay Marcos Jr. na ang kanyang bansa ay “bukas na tumulong” sa Maynila kung nais nitong kumuha ng mga produktong petrolyo mula sa Africa.

LANGIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with