^

Bansa

Viral SUV driver 'no show' uli sa preliminary investigation ng Mandaluyong hit-and-run

James Relativo - Philstar.com
Viral SUV driver 'no show' uli sa preliminary investigation ng Mandaluyong hit-and-run
Litrato ni Jose Antonio Sanvicente (kaliwa), na inaakusahan ng frustrated murder at abandonment of one's own victim, matapos banggain at gulugan ng sports utility vehicle ang gwardyang si Christian Joseph Floralde (kanan) sa Mandaluyong noong ika-5 ng Hunyo
The STAR/Jesse Bustos; The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Dismayado ang kampo ng nasagasaang security guard na si Christian Joseph Floralde sa hindi pagdalo ng "frustrated murder" suspek na si Jose Antonio Sanvicente sa preliminary investigation ng viral na hit-and-run case sa Mandaluyong — pero giit nila, tuloy ang kaso.

Biyernes nang magtungo sina Florandre — kahit iika-ika mula sa injuries sa magkasunod na pananagasa ni Sanvicente — sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office para sa naturang preliminary investigation sa reklamong frustrated murder at abandonment of one's own victim.

Wala roon si Sanvicente ngunit present ang kanyang abogado.

"Medyo dissappointed ako, pero may hustisiya naman tayo eh," wika ni Federico Biolena, abogado ni Floralde sa press kanina.

"Wala pa [silang inaalok na tulong sa amin]. Tuloy-tuloy [ang kaso]. Dapat magkaroon ng hustisiya ang biktima."

Una nang sinabi ni Philippine National Police spokesperson Col. Jean Fajardo nitong Huwebes na inaasahan nilang pumunta si Sanvincente ngayong araw kasama ang kanyang abogado para maghain ng counter-affidavit base sa isinampang kaso.

Matatandaang inisnab din noon ni Sanvicente ang isa pang hearing ng Land Transportation Office tungkol sa revocation ng kanyang lisensya dahil pa rin sa pananagasa kay Florande.

Bagama't humarap na sa PNP nitong Miyerkules si Sanvicente sa isang press conference, hindi siya inaresto ng mga pulis dahil wala pa ring warrant of arrest laban sa suspek na kitang-kita ang dalawang beses na pananagasa sa video.

Binanggit kahapon ni Theodore Te, dating tagapagsalita ng Korte Suprema, na hindi pagsuko ang ginawa ni Sanvicente lalo na't nakapag-press conference pa ang suspek at nawalan na ng oportunidad ang mga pulis na hulihin siya sa ilalim ng "hot pursuit" exception.

Patuloy na itinatanggi ni Fajardo na "kilalang personal" ni PNP officer-in-charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. ang pamilya ni Sanvicente, lalo na't inaakusahan ng netizens at publiko ang pulisiya ng "special treatment" sa salarin.

"Depende sa biktima [kung papayag ang kliyente ko na makipag-negotiate]. Hindi ako makakapagsalita tungkol sa mga negotiation," patuloy ni Biolena.

"Let justice run its course."

Una nang humingi ng tawad ang akusado patungkol sa paggulong pa sa biktima kahit nabangga na, habang ipinaliliwanag na natakot at nag-"panic" lang siya matapos ang insidente kaya humarurot paalis.

Nakatakda ang susunod na preliminary investigation sa ika-23 ng Hunyo kung saan inaasahang isumite ni Sanvicente ang kanyang counter-affidavit.

FRUSTRATED MURDER

HIT-AND-RUN

MANDALUYONG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SPORTS UTILITY VEHICLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with