^

Bansa

'I apologize': Viral SUV driver na nakabundol sa Mandaluyong guard sumuko

James Relativo - Philstar.com

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang araw, boluntaryong sumuko sa Philippine National Police ang driver ng sasakyang sangkot sa kontrobersyal na hit-and-run ng isang sekyu sa Lungsod ng Mandaluyong, bagay na viral ngayon sa social media.

Humarap kina PNP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. si Jose Antonio San Vicente, Miyerkules, sa Camp Crame habang humihingi ng tawad nang ginulungan pa rin ang biktima kahit nasagi na nang pauna.

"My apologies sa nangyari. My apologies kay Mr. [Christian Floralde] at kanyang pamilya," ani San Vicente kanina.

Paliwanag ng kanilang  kampo, nagulungan pa rin ang biktima matapos inisyal na mabangga dahil sa takot at pagpa-"panic" matapos ang insidente. Una nang hinainan ng kasong "frustrated murder" si San Vicente.

Matatandaang inilagay ng Department of Justice si San Vicente sa immigration lookout bulletin order. Hindi dumalo ang salarin sa pagdinig ng Land Transportation Office patungkol sa administrative case laban sa owner ng naturang sports utility vehicle.

'Case solved'

"As far as the [PNP] is concerned, we consider this case solved. Considering that we already filed the case and 'yun pong ating person of interest or the suspect voluntarily gave up to clear matters at hand," ani Danao sa isang press conference.

"We are now leaving to the prosecution's office, to the courts, on the proper venue to answer the matters at hands. Sila na po ang bahala riyan... They will have their day in court."

Aniya, ayaw na nilang magkomento pa para hindi maapektuhan ang resulta ng imbestigasyon sa korte.

Isinuko na rin daw ang sasakyan sa mga otoridad bilang isa sa mga importanteng ebidensya. 

Sinabi na noon ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na hindi nila binigyan ng special treatment ang naturang suspek habang gumugulong ang kaso.

Ilang netizens ang napunang hindi agad naaresto si San Vicente gayong "malamang sa malamang" ay nakulong daw agad ang nabanggit kung iba ang sangkot. — may mga ulat mula kay The STAR/Manny Tupas

HIT-AND-RUN

MANDALUYONG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SPORTS UTILITY VEHICLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with