^

Bansa

Xi Jinping: Congrats kay Marcos, 'ika-17 pangulo' ng Pilipinas

Philstar.com
Xi Jinping: Congrats kay Marcos, 'ika-17 pangulo' ng Pilipinas
China's President Xi Jinping applauds during the opening ceremony of the Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC) at the Great Hall of the People in Beijing on March 4, 2022.
AFP/Matthew Walsh

MANILA, Philippines — Kahit hindi pa pormal na iprinoproklama, tinawag nang ika-17 pangulo ng Republika ng Pilipinas ni Chinese President Xi Jinping si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. 

Sinabi ito ni Xi sa pamamagitan ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas kahit posibleng sa ika-27 o ika-28 ng Mayo pa maiproproklama ang susunod na presidente at bise presidente, ayon sa Konggreso.

"I am honored to forward the congratulatory message from H.E. President XI Jinping of the People's Republic of China on your elections as president of the Republic of the Philippines," wika ni Huang Xilian, ambassador ng Tsina sa Pilipinas, sa isang liham kay Bongbong.

"Again, on behalf of the Chinese Embassy in the Philippines and in my own name, I would like to convey my heartfelt congratulations on Your Excellency's election as the 17th President of the Philippines."

Miyerkules lang nang batiin ni Chinese foreign ministry spokesperson Zhai Lijian sina Marcos at kanyang ka-tandem sa pagkabise presidente na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa "pagkapanalo."

Bukod pa rito, pinalakpakan din nila ang "swabeng" presidential election sa Pilipinas, kahit na libu-libong vote counting machines at pumalya, ilang shaded ballots ang nakunang pinupunit ng mga pulis at ilang election-related killings ang naitala simula noong ika-9 ng Mayo.

Kaugnay niyan, iprinoprotesta tuloy nang marami ang diumano'y "dayaan" sa naturang eleksyon.

Ika-9 ng Hunyo, 1975 nang pormal na magkaroon ng diplomatic ties ang Pilipinas at People's Republic of China noong panahon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ama ni Bongbong.

Sa kabila nito, nangasim ang nasabing pakikipag-ugnayan sa pagtindi ng sigalot ng dalawang bansa pagdating sa soberanya at soberanyang karapatan sa West Philippine Sea — bagay na inaangkin din ng Beijing.

Una nang binati ng Estados Unidos, Japan at European Union ang nangyaring halalan sa bansa habang nangunguna si Marcos sa botohan. Kilalang magkaribal na superpowers ang Amerika at Tsina sa kasalukuyan. — James Relativo at may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag 

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

CHINA

PHILIPPINES-CHINA TIES

SARA DUTERTE

XI JINPING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with