^

Bansa

'Bago election duty': Guro sa Negros Occidental binaril, ayon sa DepEd

James Relativo - Philstar.com
'Bago election duty': Guro sa Negros Occidental binaril, ayon sa DepEd
File photo ni Education Secretary Leonor Briones
File

MANILA, Philippines — Kinundena ng Department of Education (DepEd) ang pamamaril sa isang teacher mula Himamaylan National High School, bagay na dadagdag sa mga nauna nang naitalang karahasan ngayong eleksyong 2022.

"The Department of Education (DepEd) strongly condemns the shooting of a teacher from Himamaylan National High School in Negros Occidental, who was set to serve in the 2022 National and Local Elections," wika ng Kagarawan ng Edukasyon, Lunes, sa isang pahayag.

"Though it is unclear yet if such brutality was election-related, we denounce any acts of violence and injustice towards our teachers, who have dedicated their lives to the Filipino children and are now selflessly serving the country in this year’s election."

 

 

Nakatakda sanang magsilbi para sa 2022 national at local elections ang nabanggit na guro. Ipinaabot naman ng DepEd ang kanilang pakikiramay sa pamilya't mga kaibigan ng biktima.

Initusan naman na ni Education Secretary Leonor Briones ang Office of the Undersecretary for Finance na magbigay ng pinansyal atbp. tulong sa nasabing guro at kanyang pamilya.

Nakikipag-ugnayan na rin si DepEd Election Task Force Chair at Undersecretary Alain Del Pascua sa concerned field offices at local officials para maimbestigahan ang insidente. Tinatawagan naman ngayon ng ahensya ang kapulisan at kasundaluhan na patuloy protektahan ang kaguruan, poll workers at mga botante ngayong halalan.

"We call on the local authorities in Negros Occidental to deliver swift justice for such heinous crime against our dearly departed colleague," patuloy pa ng kagawaran.

"Violence is not and should not be part of the process of democracy. Together, let us stay vigilant and reinforce a free, peaceful, and credible election for this nation."

Kanina lang nang pagtatambangan at mapatay ang tatlong kawani ng barangay peacekeeping action team (BPAT) na nagbabantay sa isang presinto ngayong eleksyon sa Buluan, Maguindanao.

'Nakakabahala na'

Ikinadismaya naman ni presidential candidate at Bise Presidente Leni Robredo ang mga nangyayaring karahasan ngayong halalan, maliban pa sa mga ulat ng mga naglolokong vote counting machines — na siyang umaabot na ngayon sa 1,900.

"Marami tayong lawyers on standby. Kailangan lang ma-advise lahat na lahat na mapapansin nila na outside the norm kailangan i-report saka i-document," wika ni Robredo kanina.

"Kasi medyo nakakabahala yung mga reports all over the country ngayon. Pinakaayaw natin mangyari na mayurakan yung integridad at linis ng eleksyon na ito kasi doon magsisimula yung gulo."

Umaasa naman ang kampo ng bise presidente, na pambato ng oposisyon ngayong eleksyon, na hindi na madagdagan ng untoward incidents ngayong araw.

Sa kabila nito, pinayuhan naman niya ang lahat na 'wag magpatalo sa takot at magtulungan ang lahat. — may mga ulat mula kina Xave Gregorio at Angelica Yang

2022 NATIONAL ELECTIONS

DEPARTMENT OF EDUCATION

ELECTION RELATED VIOLENCE

TEACHER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with