Cusi faction, legit na PDP-Laban Party — Comelec

Sa desisyon na inilabas kahapon, binigyan ng halaga ng binuong special division na pinamumunuan ni Commissioner Socorro Inting ang ginanap na PDP-Laban national assembly noong Hulyo 17, 2021 na pinamunuan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kinilala ng Commission on Elections (Comelec) ang paksyon na pinamumunuan ni Department of Energy Secretry Alfonso Cusi na siyang lehitimong kumakatawan sa partido PDP-Laban.

Sa desisyon na inilabas kahapon, binigyan ng halaga ng binuong special division na pinamumunuan ni Commissioner Socorro Inting ang ginanap na PDP-Laban national assembly noong Hulyo 17, 2021 na pinamunuan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Binibigkis umano nito ang lahat ng miyembro ng partido at nakatugon naman sa hinihinging pangangailangan ng Comelec. Tinawag ang naturang pagtitipon na ‘national council’.

Pinaboran nina Inting kasama sina Commissioners Marlon Casoquejo at Rey Bulay ang Cusi Wing at naetsapwera ang paksyon na pinamumunuan nina Sen. Manny Pacquiao at Sen. Koko Pimentel. Ang ama ni Pimentel na si dating Senador Aquilino “Nene” Pimentel Jr. ang nagtatag ng naturang partido.

Naging balido umano ang pagpreside ni Duterte sa paghalal ng bagong set ng mga opisyal at committee chairpersons ng partido.

Kinilala rin ng Comelec si Karlo Nograles bilang party executive vice president, Melvin Matibag bilang secretary general, at Sen. Christopher “Bong” Go bilang auditor general, kabilang ang iba pang opisyal.

Pinawalang-bisa naman ng resolusyon ang ginanap na sariling pagpupulong at resolusyon na inilabas ng paksyon ni Pimentel.

Show comments