^

Bansa

Robredo humataw sa ‘Veritas Truth Survey’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Robredo humataw sa âVeritas Truth Surveyâ
In this photo taken on April 23, 2022, Vice President and opposition presidential candidate Leni Robredo speaks before thousands of supporters during a campaign rally coinciding with her birthday in Pasay City.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Batay sa bagong survey ng Radyo Veritas sa mga kandidato sa pagkapangulo, panalo si Vice President Leni Robredo sa hanay ng mga Katoliko sa darating na halalan sa Mayo 9 dahil sa kanyang mga katangian bilang “servant leader.”

Ang survey, na tinawag na “Veritas Truth Survey”, ay ginawa mula Abril 1-30 na may 2,400 respondents mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nasa 48 porsiyento ng respondents ang pinili si Robredo nang tanungin kung sino ang kanilang iboboto bilang pangulo batay sa kanilang paniniwala bilang Katoliko.

Pumangalawa si Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. na may 38 porsiyento, may tig-5 porsiyento sina Sen. Ping Lacson at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso habang may 2% si Sen. Manny Pacquiao.

Patok si Robredo sa mga botanteng edad 18-20, 21-39 at 61-anyos pataas, ayon kay Bro. Clifford T. Sorita, pinuno ng Veritas Truth Survey.

Nakakuha ang Bise Presidente ng 42% sa 18 hanggang 20-anyos, 51% sa 21 hanggang 39-anyos, at 77% sa mga botante na edad 61-anyos pataas.

“For the Catholic voters that served as respondents for this survey, this survey tells us that based on Catholic beliefs, VP Leni has a significant advantage over former Senator Marcos Jr.,” wika ni Radyo Veritas president/CEO Rev. Fr. Anton C.T. Pascual.

“Such results are an affirmation that for most Catholic voters, servant leader qualities are the basis of choice for these are deeply rooted in a Catholic’s values and beliefs,” dagdag pa niya.

Iginiit ni Fr. Pascual na iba ang “servant leadership” dahil ibinabahagi nito ang kapangyarihan, inuuna ang pangangailangan ng iba at tinutulungan ang mga tao na umunlad.                                                                                 

RADYO VERITAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with