Susunod kami sa utos - Atong Ang

Atong Ang.
STAR/File

MANILA, Philippines — “Nagsalita na ang ­pangulo (Rodrigo Duterte), kaya susunod kami sa utos niya”.

Ito ang pahayag ni Charlie “Atong” Ang, ang pangulo ng Pitmaster Live na isa sa mga kumpanya na may palarong e-sabong.

Dagdag pa ni Ang, “gagamitin namin ang panahon na ito para ayusin ang mga isyu hinggil sa sinasabi ng pangulo na mga problema sa e-sabong.”

Nauna nang ipinatigil ni Pangulong Duterte ang lahat ng e-sabong sa bansa simula kahapon, araw ng Martes, bunsod ng rekomendasyon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Ayon sa Malacañang, maraming nalululong sa e-sabong na nagiging social problem na.

Nangako naman si Ang na kapag muling binuksan ang e-sabong ay naayos na nila ang mga nasabing problema.

Show comments